Posts

Showing posts from August, 2023

Sisihan Portion - Da Recap of Pilipinas Contra Sa Angola

Image
Ang ating agimat. At malapit na akong maka trifecta. Bigo ang Pilipinas laban sa Angola sa FIBA World Cup 2023. Sadyang mas malakas ang mga manlalaro ng Angola na ginamit ang kanilang laki at lakas sa ilalim at husay sa pagbuslo ng mga tres para tayo ay talunin. Mautak din ang kanilang coach compara sa coach Banchot natin na walang alam sa basketball na ewan ko ba kung bakit hindi siya tinatablan ng hiya. Pagusapan at pagaralan natin ang kanilang laban para maunawaan natin kung bakit tayo kinulang. Sa pamamagitan ng statistics ng laban, may silver lining ang lahat kahit sa basketball. Kung hindi man tayo manalo sa laban, panalo pa rin tayo dahil natuto tayo mag analyze. Kaya tuwing may mga laban, punta agad sa website para kunin ang game stats. Basahing maigi ang mga figures. Panoorin ulit ang laro para makita niyo ibang mga bagay kagaya ng mga player movements. Iba kasi pag binase mo lang sa unang viewing mo dahil na-dazzle ka sa magagandang galawan. Sa second viewing makikita mo na a...

Sisihan Portion - Bakit Natalo Ang Pilipinas Contra Sa Dominicana

Image
Kagaya ng inaasahan ay nagwagi ang Dominicana sa enquentro natin para sa unang laban sa Group A ng FIBA World Cup 2023 sa score na 87-81. Nagpakita ng resilience ang Dominican Republic na at one point sa umpisa ng 4th Quarter ay parang makakasilat pa ang Pilipinas. Nagdominate ang Dominican Republic sa rebounds at ang kanilang go-to guy na si Karl Anthony Towns, bagamat nahirapan sa kaniyang opensa dahil pinaghandaan ng Pilipinas ay nakatulong pa rin ng malaki dahil sa kaniyang 15 of 16 free throws. Ang hindi napaghandaan ng mabuti ng Pilipinas ay ang supporting players ni Towns na may magandang distribution ng points.  Napigilan ng Dominican Republic ang Pilipinas na ma-control ang laban sa pag limit ng shot attempts at pinilit ang Pilipinas na mag commit ng maraming turn overs. Ang Pilipinas ay nakakuha lamang ng 53 field goal attempts at natalo din sa rebounding lalo na sa offensive rebounding kung saan ang Dominican Republic ay may 17 at ang Pilipinas ay nakakamit lang ng 3. An...

Tatlong Itlog Ang Prediction Ko Para Sa Pilipinas Sa Nalalapit Na 2023 FIBA World Cup

Image
Don't worry guys. Learning experience ito para sa anak ko na siyang sasalba sa ating lahat ok? Itlog na maalat. Tatlo, hindi lang iisa. Busog tayo sa betlog ngayon at pag makita niyo mukha ni Banchot ay mag power up muna at bumuwelo ng mabuti at suntukin niyo sa mukha hanggang mahimatay ang putangina. Base sa mga tune up games nila laban sa Montenegro at Mexico ay mahihirapan ang mga tarantadong Galis laban sa Dominican Republic. Tatambakan sila sa 3rd quarter at magpaparang manok na tinirador yan si Banchot Reyes.  Laban sa Italy, sisiw ang mga Galisin na yan dahil 2nd quarter pa lang ay panalo na ang mga Italiano. Magkakalat lahat ng mga ogag natin at walang solusyon na mahahanap si Banchot, itaga niyo sa bato. Average lead ng Italy ang 22 points. Magkakalat na naman ang mga super diyahe. Dahil ang ating magaling na coach ay magyayabang sa media, paandarin ang pagiging taklesa niya at mangiinsulto pa ng kalaban sabay bitaw na naman ng learning experience. Ipapasok na ang hurument...

Bakit Wala Na Tayong Pagasa Sa Basketball

Image
Ang kwento ni Raul Dillo ay isang magandang halimbawa ng kapalpakan ng Pinoy sa basketball. Basahin niyo ito at pagkatapos makikita ninyo na bukod sa maigsi biyas natin, tayo rin ay sa kasamaang palad ay utak dilis. Manghihinayang ka talaga sa wasted opportunity natin sa kagaya ni Raul Dillo. Kahit naging varsity player ng University of the East si Raul Dillo,  nang siya ay lumuwas ng Manila para mag try out sa mga unibersidad, huli na ang lahat para sa kaniya dahil hindi siya naturuan ng tamang paglalaro sa basketball habang maaga. Nakuha pa rin siya ng UE pero dahil sa dami ng obob na coach sa atin ay walang makapagturo at motivate sa kaniya para mag improve ang laro at dahil ang kanyang laro sa level na mapapakinabangan ng national team at kahit isang gahamang team sa PBA. Kahit si Tim Cone ay hindi na-enganyo na i-draft siya. In fact, walang nag draft sa kaniya sa PBA. Nakapaglaro lang siya professionally nang i-recruit siya ng San Juan Knights sa MBA, isa pang bulok na liga na...