Bakit ang Baduy ng mga Pelicula na Gawa sa Pilipinas?
O mga bakya! Ito na ang pelicula niyo! Pila na, pila na. Baduy ang mga pelicula sa atin. Nakakasuya at nakakaasar panoorin. Minsan ang ganda ng cinematografia pero walang kwenta ang storia. Kung maganda naman ang storia, ang mga artista na gumanap ay mga mahihina umarte. May artistang kilala at respetado, overacting naman! May pelicula naman na malaki ang production at kakagatin ng masa pero walang kwenta ang script at puro baduy na one-liners. Wala ka talaga maaasahan sa peliculang Pilipino kaya ito ako gumawa ng listahan ng mga dahilan kung bakit ang baduy-baduy ng peliculang Pilipino. Overacting na Artistang Nanggaling sa Teatro Nababadtrip ka sa veterano at sikat na artista na maraming awards na nakuha sa teatro dahil sa lakas ng boses niya at sobrang OA na pag-arte. Yan ang dahil ang mga artista na yan ay nagmula sa teatro. Sa teatro ang actor ay kailangan lakas ang boses nila at gumalaw ng malaki para marinig at makita ng mga nanonood sa malayo. Hindi kasi makita sa malayo ang fa...