War Plan Luna

Antonio Luna
Alam ni Luna na hindi mananalo ang Pilipinas sa positional battles laban sa America dahil sa kanilang makabagong mga armas pang digmaan - mas marami silang mga baril at mas advanced ang artillery. Lahat ng mga sundalo nila ay sharpshooters, marunong humawak ng baril at mga beterano ng American Civil war at Indian Wars. Ang mga sundalo natin ay hindi marunong gumamit ng rifle at inaalis pa nga nila yung "sight" sa dulo ng "muzzle" kasi matulis yun na sumisira sa kanilang mga uniporme kapag sumabit. Kaya ang mga sundalo natin hindi magaling sa asintahan, umaasa lang sa volley fire. Ang pumapatay lang sa mga sundalo ng US bukod sa chambahan ay malaria, sunstroke at heart attacks.

Kung wala si Luna wala tayong organized na army. Ang mga sundalo natin madaling maduwag. Isa lang tatakbo, marami na gagaya. Nakakahawa ang kaduwagan. Sabi nga ni General Jose Alejandrino, kailangan pa takutin ang mga sundalo natin para lang lumaban. Minsan pinapalo ng latigo para hindi tumakbo o kaya binabaril. At minsan nagmamakaawa ang mga heneral at officers na huwag iiwan ang puesto nila. Parang mga bakla na pinilit makipagsuntukan at ipagtanggol ang kanilang dangal laban sa mga taong bato na mukhang gurilya, bigyan mo lang ng dahilan bubugbugin ka na!

Itinatag ni Luna ang Academia Militar (na naging PMA ngayon) para turuan ang mga sundalo natin ng disiplina. Ni-recruit niya ang dating mga officers ng Spanish Army, mga kastilaloys na tulad nila Cavestany, Torres Bugallon, Paco Roman, Eduardo Rusca, Manuel Sityar para maging instructors ng Academia Militar! Tinuruan humawak ng baril at kung paano umasinta. Inayos din niya ang hierarchy ng officers para hindi na mukhang mga ragtag group ng mga taong muklo at gusgusing inutusang bumili ng patis sa kanto. Feudalistic kasi ang army natin na namana pa sa structure ng Katipunan. Kumbaga, ang isang company ay nagmula sa isang pueblo at ang officer nila ay kung sino man ang may pera sa lugar na yun. Kaya ang isang battalion ay hindi susunod at kikilala sa heneral na nakakataas sa kanila. Isa pa, walang uniforme kaya nagpagawa si Luna ng uniforme na design pa ni Juan Luna! Ang vision kasi ng heneral ay one nation, one army. Sa kakaunting panahon lang may seryosong army na tayo, testamento sa husay ni Luna sa pag organisa. Pero nariyan pa rin ang mga tinatawag na horda, mga muklo talaga na wala sa disposisyon. Parang mga ministro ng INC na nexpose ang katontohan at kasinungalingan, nagtatakbuhan.

Dahil matindi ang lakas ng America, kumpleto sila sa kagamitan at experiensado sa pakikipag-digmaan, nagsuggest si Luna na guerrilla warfare ang gamitin natin na stratehiya. Hindi natin sila matatalo sa mga positional battles, pero puede natin sila matalo kung patatagalin ang gera dahil meaning gagastos sila ng gagastos. Kung mag guerrilla tactics tayo, mahihirapan ang US dahil hindi nila kabisado ang terrain at hindi sila sanay sa clima natin. Hihimatayin ang mga putanginang mga puting demonyo na yan sa init ng araw. Mag hit and run ang mga Pinoy ay sugurin ang mga bugok sa tanghaling tapat, mababad trip at mauulol ang mga putanginang yan! Tapos biglang magtatago sa kakahuyan at barilin sila gamit mga fast loading smokeless Mauser rifles, masisiraan ng bait ang mga gunggong! Kung nasa concealed position ka hindi malalaman ng mga kaaway mo ang iyong position, magandang armas na gamitin sa guerrilla warfare. At dahil sa lumalaki ang gastos ng mga kano at tumataas ang bilang ng mga casualties nila, mapipilitan sila na ipatigil ang gera. Mismong American public na ang boboto para ipatigil yan, magsisiuwian ang mga hudas.

Nang kausapin ni Luna ang mga oficiales ni Aguinaldo, hindi sila pumayag na gamitin ang guerrilla warfare. Ang dahilan ay gusto ng council (Mabini) na patunayan sa mundo na ang mga Pilipino ay sibilisado at decente. Tayo ay makikipaglaban sa maayos na paraan at ang paraan na ito ay ang outdated na style na open breasted fighting style na sobrang laos na dahil huling ginamit ito ni Napoleon! Ibig sabihin nakatayo ng harap-harapan ang mga sundalo habang nakikipaglaban. Hindi nakaluhod o nakahiga, kung hindi nakatayo at dikit-dikit pa parang bowling pins. Puede mo patumbahin basta may malaking bowling ball ka. Ang gagawin lang ng kalaban ay magtatago sa likod ng puno o sa trenseras (trenches para sa inyong mga amboys) ay aasintahin lang  ang kanilang mga kalaban na parang mga manok sa loob ng kulungan. Isama mo pa artillery, bagsakan lang ng cannon ball at magtatalsikan ang mga paa at ulo! May mga exploding shells na din noon, kung magkukumpol-kumpol kayo mas malaki ang casualty rate! Hindi ito na-consider ng council. Kaya madaling nabubulabog ang mga sundalo natin na laging nagtatakbuhan! Maraming nagtatakbuhan palayo para umuwi na lang sa bahay nila! Mga officers ng Republica binabaril ang mga yan kapag naduwag na.

Kaya sabi ni Luna, kung ganon gumawa tayo ng mga trenseras! Hindi na naman pumayag at nanindigan na open breasted fighting style ang gagamitin. Hindi inasahan ni Aguinaldo at ng ilan pang mga heneral na beterano ng revolucion laban sa EspaƱa, na ang stilo ng pakikipaglaban ay nagbago na. May trench warfare na, may flanking tactics. Ang mga Kastila kasi kapag tayo ang kalaban nila, hindi sila gumagamit ng flanking, harap-harapan din sila kung makipaglaban dahil wala silang respeto sa atin, at namana natin ang style sa mga Kastila din. Parang sa basketball kapag lagi mong kalaro ang mga banban magiging banban ka rin. Kaya nang makaharap natin ang mga Americano, massacre ang inabot natin dahil hindi lang sa harap sumusugod, susugod din sa kaliwa at kanan. At mabilis ang sila kung umatake! Unang enkwentro natin sa kanila patong-patong ang mga bangkay natin! Sabi ng mga burat na mga demonyong Americano parang namamaril lang daw ng mga squirrels. Sobrang easy para sa kanila. Kapag nagbabarilan na magsisigawan pa ng “yeehaw!” Parang sa mga cowboy movies. Pagnagtakbuhan na ang mga sundalo natin, hahabulin nila tayo sumisigaw ng “Whoop, Whoop!” Gentleman tactics laban sa mga demonyo? Natalo tayo sa unang labanan, naitulak tayo palabas ng Manila. At doon lang nakinig si Aguinaldo kaya naghukay sila ng mga trenseras sa Caloocan hanggang La Loma para protektahan ang Manila – Dagupan railway. Pero too little, too late na rin. Unti-unting naitulak ang republika. Naagaw din ng mga Americano ang control ng railways na inaasahan para sa madaling transportation ng sundalo at supplies.

Dito dapat ang 
Nagpadala si Luna ng mga scouts sa Mountain Province para humanap ng magandang locasyon kung saan itatatag ang kaniyang Mountain Fortress. Diyan magpapatuloy mag function ang Republica. May access sa tubig, puedeng magtanim ng mga pagkain, magalaga ng manok, baka, baboy. Sa totoo niyan, naumpisahan na ang pagpapagawa ng Mountain Fortress na ito sa Benguet. May pagawaan na ng bala, farm, bahay. Pinadala na ibang mga bells mula sa iba’t-ibang mga simbahan at inumpisahan na ang pagtunaw para gawing bala. Kung susugod ang mga Americano diyan siguradong magiging madugo para sa kanila. Higanteng redoubt sa bundok na maraming mountain pass.

Basahin niyo history ng mga labanan sa mga mountain pass makikita niyo na laging panalo ang nasa depensa. Battle of Kasserine Pass natalo ng mga Nazi's ang mga Americano ay isang magandang halimbawa. Kahit yung labanan sa Pasong Tirad ni General Gregorio Del Pilar ay dapat naipanalo kung may mas experiensadong nilagay doon, imbis na si Goyo.

Kung nasunod lang ang plano ni Luna, maaring natalo natin ang America. Naging war of attrition sana yan para sa kanila. Ubosan ng sundalo, ubusan din ng pondo. Gagastos sila ng gagastos sa pagpapadala ng mga sundalo sa atin. Ilang buwan din ang biyahe ng barko. Sa biyahe pa lang magkakasakit na sila. Kung natalo natin sila may maipagmamalaki na tayo ngayon. Nagkakaisa sana ang lahat ng mga Pilipino ngayon, maganda at progresibong bansa at hindi titing supot na binurat na dinidiktahan lang ng mga mayayamang bansa. Hindi mga tuta ng mga Americano na laging nakikiuso at nakikigaya. Hindi mga try hard na mga inglisero, walang innovation, walang alam sa mundo, ignorante at bobo sa ropor! Hindi pa sana tayo nilusob ng mga tarantadong mga Hapon dahil wala tayong paguugnayan sa America kaya wala silang dahilan para maltratuhin at bombahin ang ating bansa. Siguro nga hindi pa naging superpower ang mga demonyong yan eh di sana ngayon walang gulo sa Middle East, walang oil cartel sa Saudi, walang CIA at walang third world countries! At ang Pilipinas ay ehemplo ng karunungan at pagmamahalan, kung nasunod lang ang plano ni Heneral Luna!

Comments

  1. Di naman ka interes interes yan si Juan Luna. Yung Galis Pilipinas na lang, sana matalo sila sa FIBA sa China.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Bakit nakakasawa ang mga Pinay?

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?

Bakit Madami Mga Squatters Sa Pilipinas?