Migo System - Sistemang Bulok sa Philippine National Football Team

Mula 90s ang Philippine National football team ay binubuo ng mga Ilonggo. Dahil ang coach nila na humahawak sa team siya rin ang namimili at nagrerecruit ng manlalaro. Hindi naman malawakan ang paghanap nila, basta na lang nila pinipili yung available na players sa lugar nila. Kaya kadalasan kung ang mapipiling coach ng national team ay coach din ng isang university sa Visayas, ang mapipiling mga players ay mga varsity players din na hawak niya at kilala niya.


Tingnan niyo yung ginawa noon ni Norman Fegidero, dating striker ng Philippines na napiling coach ng national team noong 2007 para sa AFC Challenge Cup na gaganapin sa Iloilo. Nagbigay siya ng babala para sa mga players na naglalaro sa labas ng bansa na kapag hindi sila makakarating 2 months bago magsimula ang tournament para sa kanilang training camp, hindi sila makakasali. Eh siya ang coach ng West Negros College kaya automatic ang mga bugok na ito! Dalawang players lang na naglalaro overseas ang exempted ng magaling na coach na ito - Neil Etheridge at Phil Younghusband. Ibig sabihin pala niyan hindi na makakasali sila Chris Greatwich, James Younghusband, Chad Gould! Dahil according kay Norman Fegidero, pag wala ka sa training camp, wala ka rin sa team! Heil Hitler!


Fegidero, 3rd from left, standing. Willie Garte na ba?
Ito ang kinasama ng loob ni Chris Greatwich. Matagal na siyang naglalaro para sa national team, ang dami na niyang pinagdaanan kasama ang mga kagaya ni Caligdong. Mga heartbreaking loss, at impressive wins din. Dahan-dahang umaangat ang level ng laro ng team natin dahil sa Euro based Pinoys. At unti-unti na rin nawawala ang mga banban sa team na nasali lang dahil malakas sila kay Coach na kababayan nila, kumpare ng tatay nila at kainuman pa. Napapansin na rin ng mga local football fans na nagbalik ang tiwala sa team. Sawang-sawa na kasi kami sa mga talunan na kung sino-sino lang ang pinipili kaya every tournament iba-iba ang mukha depende sa kung sino ang pipiliin sa walang kakwenta-kwentang MIGO SYSTEM! Migo - short for amigo. Sa Manila ito ay tinatawag na bata-bata at palakasan system. Alam naman natin noon pa na ito ay walang kwenta!


Pero hindi ito pwede sa PFF. Ayaw nila mapahiya at tayo pa naman ang host. Ano ka hilo? May mga mahuhusay na players na tayo, babalik na naman tayo sa panahon na tinatalo tayo ng 8-0? Dahil lang sa migo system na ito na nakasanayan na ni Fegidero. Hindi pwede ito. Kaya PFF mismo ang nagmando ng team. Nakialam na sila sa diskarte ni coach banban. Dumating pa rin sila Greatwich, Chad Gould at YH brothers sa training camp sa Cebu. Walang humarang na clown doon na ubod ng racist at regionalistic. Sa mga tournaments ang coach on paper ay si Fegidero, pero ang pumipili ng starting 11 at tactics ay si Juan Cutillas. At magadang ang result na pinakita nila, kahit hindi tayo nag advance sa main tournament. Hindi natalo ang Philippines at hindi nag concede ng maski isang goal. Kahit Tajikistan na pinakamabigat na team sa qualifiers, hindi nila tayo natalo kahit sampu na lang ang players natin. Ungas kasi si Cordova, yung defender na taga Barotac. Nanuntok na player after niya ma-head butt. Kung nag ala Busquets na lang siya, sigurado yung nag head butt sa kanya ang na red card. Eh hindi eh. Matapang daw siya, kaya sinuntok niya na lang at yung Tajik player na yun ang nag ala Busquets at si Bopols Cordova ang na red card hindi pa natatapos ang second half. 10 men lang tayo pero hindi pa rin nakagoal ang Tajikistan at natapos ang laro in a draw.


Magaling na player naman si Fegidero, siya nga ang naka score ng lone goal na nagpapanalo Pilipinas sa SEA Games 1991 na ginanap sa Manila laban sa Malaysia. Shock win ito noong araw, at headline ito sa sports pages ng panahon na yun. Nakapasok ng semi finals ang Pilipinas at nagulat din ako sa attendance noon, talaga sumuporta ang mga Pinoy sa football kahit walang TV coverage ito. Yup, magaling na player. Pero bobong coach naman. Bobong coach na nasanay sa migo system kaya bopols din ang pagpili ng players, bopols na management ng players dahil papaboran ang mga kilala at paborito niya na siguradong ikasasama ng loob ng ibang players at makakaapekto sa moral ng buong team. Masasayang din ang mga players na may potential sa sistemang ito, sistemang bulok na dapat itapon sa kanal na may mabahong tae, ipis at daga. At ihagis na rin siya doon, na dapat yan ang ginawa sa kanya ng PFF. Ang bait pa nga ng PFF sa lagay niyang yan, at hindi siya pinahiya sa publiko. Ginawa siyang mascot coach para naman isipin ng mga kababayan niya at kamag anak na siya ang master tactician. 


At ito ray-ban mo pare ko, suotin mo yan sa pitch para hindi makita ng mga tao ang lumuluha mong mga mata. Ang alat pala ng lasa ng luha ano? Dibale, kamukha mo naman si Willie Garte. Pweh!

Comments

Popular posts from this blog

Bakit nakakasawa ang mga Pinay?

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?

Bakit Madami Mga Squatters Sa Pilipinas?