Baket mababa ang sahod ng empleyado sa Pinas?

Pwede na kayong mangarap ulit.

Allergic ang mga mayayaman sa mga union na yan, ayaw nila yung tatakutin sila ng mga taohan nila, ayaw nila yung mga nagwewelga at madidisrupt ang negosyo nila. Ayaw nila niyan. Hinahagisan ng granada yung mga union leaders na yan sa Pinas, or pinapaulanan ng bala. Ayaw nila na ang mga mahihirap, mga maralita na yan, ay haharap sa kanila at magdedemand ng malaking pasahod! Anong akala niyo sa amin? Sino ba kayo at sino ba kami? Tingnan mo kulay ng balat mo, kumpara sa kulay namin? Pasalamat kayo at pinapasweldo kayo dito! Magrereklamo kayo sa P9 minimum wage? Eh di lumayas kayo dito! At bawal ang mag union.

Tingnan mo sa US at Australia meron silang mga workers union. Ang banking at finance sector may union para diyan, construction workers may union din yan, teachers, educators may union din yan. Sila ang dahilan kung baket malaki sweldo ng mga emplayado sa mga mayayamang bansa, kung baket may 1 month na PAID annual leave sila kada taon, maraming benefits at may insurance, may salary continuance (kung sakaling magkasakit ka at hindi ka makakapagtrabaho ng ilang buwan, babayaran nila ang sweldo mo). Maganda ang work conditions nila, maganda ang pamamalakad, may chance na umakyat sa corporate ladder, libre kape, gatas, flu vaccine. Pag sumasakit ang likod mo dahil sa may diperensya yung work chair mo, papalitan nila! Ipapatingin pa nila ang likod mo sa doctor para masiguro na wala kang spinal injury! Aalagaan ka! Kung mag overtime ka babayaran ang pang-taxi mo pauwi. Meron kang 20 days sick leave, may 5 days emergency leave, dahil gusto nila happy ka!

Eh sa Pinas? Mag absent ka lang kasi may sakit ang anak mo, sisante ka na kaagad. Ang baba ng pasahod, konti sick leave. Kung magkakasakit ka, dapat pag pasok mo kinabukasan mukha ka talagang nagkasakit. Kung pwede talian mo ng panyo yung baba mo kagaya ng mga bangkay sa pelikula ni Chiquito para hindi magduda, at matawa sa ayos mo! Aba, pag natawa yang mga matapobre na yan sa pobreng katulad mo makakalimutan nila yung inis sa iyo sa ginawa mong pagsayang ng resources ng kompanya. Anong resources? Pag umabsent ka walang sweldo!

At dahil ganyan ang buhay empleyado sa Pinas dahil sa katarantaduhan ng mga kagaya nila Ninoy, at Cory, at Cardinal Sin! Para sila ang yumaman, at kayo, yung mga bali-bali ninyong mga likod ang aapakan nila para mas lalong yumaman ang mga angkan nila. Pinatalsik nila si Marcos, pero walang magandang kinabukasan na binigay sa mga Pilipino.

Ngayon, tanongin mo ang iyong sarili. May pag asa pa ba ako sa Pinas? May pag asa pa ba ang Pilipinas?

Comments

  1. http://definitelyfilipino.com/blog/2011/10/13/ang-huling-pag-asa-ng-pilipinas-4/


    Ito ang sinulat kong artikulo sa kabila...Madami pa akong sinulat na magagandang artikulo kaya lang hindi panayagang i-post ng hunghang na admin ng blog...tang ina nyo dyan sa definitly filipino mga baias kayo! Mabulok na kayo kasama ng mga kamatis at sibuyas sa mabahong palengke ng Balintawak!

    Ang Huling Pag-Asa Ng Pilipinas

    Ang mga tanging paraan sa Pilipinas para bumangon mula sa Third World to First World sa loob ng anim hanggang walong taon lang! (Sa tagalog at layman o pangmasang salita para sa lahat. Tumulong na ipakalat ang mensaheng ito, ipaskil sa bawat sulok ng bansa.)

    1. Paganahin ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP). Papano? Kung gusto may paraan.

    Ito lang ang pag-asa gumaan ang bayarin sa kuryente at mapagkunan ng enerhiya para sa malalaking pagawaan at industriya na sasabihin ko sa ibaba. Ang mga industriya at pagawaan na ito ay mahihirapang patakbuhin ng enerhiya mula sa mga deotermal o hydro power lalo na hinding-hindi ang MERALCO maaasahan dahil sa mahal ang kuryente nila.

    Ang BNPP ang magiging sentro, dito magmumula ang puwersa sa chain reaction pababa sa ibat ibang sangay ng industriya, sa mga pagawaan at kabuhayan ng buong bansa.

    Dagdagan pa ang Nuclear Power Plant sa ibang parte ng bansa kung kakayahin pa.(Iba po ang Nuclear “Bomb” sa Nuclear “Power”, hindi ito Weapon for Mass Destruction na pagkaka alam ng karamihan na papatay ng tao. Ang nangyari sa Japan? Ibang usapin po iyon. May nuclear power plants po ang mga bansang US, France, Japan, Korea at mga pangunahing bansa sa mundo at may mga makabagong safety procedures na sa mga planta dito)

    “Ang kabilin-bilinan ko kay Mrs. Corazon Aquino na ipatuloy ang Bataan Nuclear Plant kung maaari. Sapagkat, this is the solution in meeting the country’s energy demands and decreasing dependence on imported oil. Ngunit ayaw niyang tanggapin ang aking mongkahe dahil maaalala daw ng taong bayan si Marcos habang nandyaan ang Nuclear Power Plant. Anong klaseng pag iisip yan? Iyan ay paghihigante, huwag natin idamay ang sambayanang Pilipino. Balang araw makikita ninyo, 20 years from now bagsak na ang Pilipinas.” ~ Ferdinand Marcos, Hawaii, 1987.

    2. Unemployment/Jobless is a crime! Bawal at isang krimen ang walang trabaho na nasa tamang gulang maliban sa may malalang kapansanan. Ang pagiging walang trabaho ay isang krimen o kasalanan sa bansa. Halimbawa sa isang grupo, may limang miyembro, ang isa kain ng kain, tulog ng tulog hindi nag tatrabaho, siyempre unfair sa apat na kasama. Kung hindi madala sa pakikiusap, dapat parusahan o ikulong ang mga ganitong klase para matuto. Sila ang mga sira at may diperensyang piyesa ng makinarya kaya dapat nang linisin. Kung walang utak o tinapusan, gamitin ang katawan sa pagtatrabaho. Magsaka, mag bungkal ng lupa, mag banat ng buto! Galaw –galaw!

    3. Tanggalin na ang provincial rate. Bakit may Provincial Rate pa? Halos pareho lang naman ang presyo ng mga bilihin sa buong bansa. Ito ang dahilan kaya nagsisiksikan sa Manila, dahil sa pera, mataas “daw” na sahod.

    Walang bahay sa Metro Manila kaya mag iiskwater. Walang kasiguraduhan luluwas ng Manila at makikipagsapalaran baka swertehin. Maling kaisipan. Ito lang ang paraan para ma balanse ang lumolobong papulasyon ng bansa sa mga probinsya at sa mga syudad, hindi na magsisiksikan sa Manila. Malawak ang buong Pilipinas para sa mga Pilipino!

    4. Isang bansa isang Armed Forces! Walang private army, walang rebelde, walang Islamic Army, bandidos etc. Tanggalin ito sa isang bagsakan, sa marahas na paraan kung hindi madadala sa diplomasya. Sagabal ang mga ito sa pag unlad.

    ReplyDelete
  2. 5. Sariling Industriya. Ang tagal nang naimbento ng eroplano, kotse at barko sa mundo, wala pa tayong sariling pagawaan. Magtayo at/o sumuporta ang gobyerno at ikalat sa buong bansa, sa mga probinsya, ang sariling industriya tulad ng pagawaan ng mga mahahalagang pangunahing pangangailangan mula sa pagkain at damit hanggang sa mga makina, sasakyan, bahay, tulay, kalsada,etc.. Ito ang pupuno sa mga walang trabaho sa number 2 sa itaas. Mapapagaan at mapapadali ito kapag may nuclear power ang bansa. Wala nang dahilan para mag OFW pa at mahiwalay pa sa pamilya.

    Gagawa ang mga Pilipino ng mga produkto at ang pangunahing makikinabang nito ay ang bansa. Hindi babayaran ang Pilipino ng mga dayuhan ng mababang halaga sa pag-gawa at ang produkto ay para sa kanila, sa Pilipino lang ang lakas-pagawa o labor ngunit ang produkto ay para sa ibang bansa. Mali po ito. Ang ganitong sistema ay isang uri ng makabagong pag aalipin o modern slavery.

    Ulitin natin, kung walang tinapusan hindi iyon dahilan ng kawalan ng trabaho at mag istambay na lamang. Magsaka, mag bungkal ng lupa, mag banat ng buto! Galaw –galaw! Bahagi ka ng makinarya ng ekonomiya.

    Huwag bumili ng sandata at barkong pandigma sa ibang bansa, sayang ang pera! Kaya naman dito gawin yan.

    Gawang Pilipino, Produkto ng Pilipino para sa mga Pilipino.

    6. Tamang edukasyon. Tigilan ang pagtutunganga sa telebisyon buong maghapon, sa mga maling sinasaksak ng mga media sa utak ng mga Pilipino.

    Babala: Nakakabobo at nakakabulag ang mga Istasyon ng Telebisyon sa Pilipinas! Mag basa nalang kayo ng libro!
    Edukasyon para sa lahat na bata. Paaralan sa bawat baranggay.Bawal ang bata na hindi nag aaral.
    Ituro sa susunod na henerasyon na banal at napakahalagang bagay ang edukasyon para sa isang tao, na ang walang pinag aralan ay isang malaking kasalanan sa Dios at sa bayan.

    Isaksak sa utak ng bawat Pilipino, lalo na sa kabataan na mas mataas silang uri at mas matalino kaysa sa mga Hapon, mga Koreano, sa mga Amerikano at sa mga German. Ito ay magbibigay gana at motibasyon para sa kanilang pagpapayaman at pagpapaunlad ng sarili.

    Ituro ng maigi ang kabayanihan, talino at mga ginawa ni Rizal, Bonifacio at Luna. Ito ang magiging implowensya nila sa pag aaral at pagpayaman ng sariling kakayahan.
    Isulong ang kampanya ng pagiging makabayan sa bawat paaralan hanggang sa “fanatic” level kung kakayahin.

    Ituro na mahalin ang Pilipinas, ito ang pinakamabisang paraan para magkaisa, magtulungan, panatilihin ang sariling atin at manilbihan sa bayan ng tapat.
    Dagdag sahod sa mga guro at gawin ang guro na isa sa pinakamataas at kagalang-galang na propesyon sa bansa. Susunod nalang dito ang pagpapayaman sa siyensya, teknolohiya at pagsaliksik, at sa ibat-ibang larangan ng edukasyon tulad ng kalusugan,tamang paguugali, agraryo, sining at kultura.

    ReplyDelete
  3. 7. Reporma sa Lupa! Gawing bahayan, pagawaan at sakahan ang mga nakatungangang malalawak na lupain at mga hacienda na pag aari lamang ng isang pamilya! Ulitin ko, Malawak ang buong Pilipinas para sa mga Pilipino! Wakasan ang pyudalismo!

    Sa mga working class na may average income, kailangan muna magtrabaho at bayaran ng 25 years para lang mapasakanya ang kapirangot ng lupang may maliit na bahay, samantalang nakatiwangwang ang malalawak na lupain at hacienda sa buong bansa.

    8. Ibalik sa mala-pasismo ang uri ng gobyerno. Kamay na bakal kumbaga.Isang boses, boses ng batas. Wala tayong napala, lalo tayong bumagsak sa huwad na demokrasya sa lumipas na higit dalawampung taon. Lalo lang umabuso sa kalayaan ang mga tao. Lumala ang kurapsyon mula sa baranggay tanod hanggang sa presidente ng bansa. Mabilis na naiwanan tayo sa pandaigdigang pag unlad. “Demokrasya daw”

    Sa klase ng gobyernong mala-pasismo, ang hindi sumunod, ang kumontra sa patakaran ng batas gobyerno ay paparusahan lalo na ang mga kurakot! Walang pinipiling tao, bulag ang batas walang nakikita, tinitimbang lang, kapag napatunayang nagkasala ka sigurado swak ka na sa kulungan.

    Mahirap ba? Hinde. Posible? Oo! Kailan? Ngayon na, sana.

    May iilang masasaktan lalo na sa hanay ng mga elit, may dadanak na dugo ngunit mas marami ang giginhawa at maliligtas na buhay habang panahon. Ganoon talaga ang batas ng kalikasan. Sakripisyo ng iilan para sa nakararami, hinde sakripisyo ng nakararami para sa iilan!

    Ang ibang pag unlad ay susunod nalang kapag nagawa ang mga nasa itaas. Wala nang lilimos sa kalsada at wala nang mga iskwater.

    Ito lang ang tanging paraan, wala nang iba. Ito lang ang tanging paraan, wala nang ibang paraan mga mahal kong kababayan. Hindi dilaw ang kulay ng kaligtasan mula sa pagkakalugmok sa kahirapan, hindi kayo nila ililigtas mula sa pagkakabusabos. Nakita na natin ang lahat, sana matuto na tayo.

    Kung hindi ito magagawa, lalong mababaon ang karamihan sa kahirapan, lalong maiiwanan ang bansa sa pandaigdigang pag unlad, habang panahon kakapit ang karamihan sa patalim. Ngunit kapag sinimulan natin ngayon, sinisigurado sa ganitong paraan, sa anim hanggang walong taon lang (6 to 8 years only!) babangon ang Pilipinas tulad ng Japan o Singapore o mas higit pa.

    “This nation can be great again. This I have said over and over. It is my articles of faith, and Divine Providence has willed that you and I can now translate this faith into deeds.” ~ Ferdinand Marcos, SONA, January 24, 1966.

    ReplyDelete
  4. I google nyo nalang, "Ang Huling Pag Asa Ng Pilipinas" ng inyong lingkod, Santiago Vargas..

    ReplyDelete
    Replies
    1. bro. salamat maganda naisulat mo. gusto mo bigyan kita access sa blog para kung may ebak ka na gustong itapon, tapon mo dito. walang pami-pamilya, walang kama-kamag anak, walang kai-kaibigan. sulat mo dito pwede yan. pero wag ka mag expect ng sweldo ha... hindi kumikita itong blog. non profit org itong the sick man of asia.

      Delete
    2. Salamat sa pagkakataong ito. Sabihan nalang kita kung magpopost ako ng artikulo para dito. Mejo madami ginagawa ngayon, alis na kase ako dito sa bayang inutang na ngayong buwan. Punta na ako ng Perth, kaya paalam sa mga iskwater, snatcher, rugby boys at pokpok sa kahabaan ng aurora blvd. Walang tulad nyo sa Perth....

      Delete
    3. ok yung sinulat mu pre.. marami ka pa ba jan?

      Delete
  5. Santigo ang dami mong shit, gawa ka ng sarili mong blog at don ka magkalat.

    Walang pagbabagong mangyayari sa PINAS. Kaya nga kumakalas ang mga taga mindanao, dahil wala silang nakikitang pagasa para umunlad.

    Kamote

    ReplyDelete
  6. Bakit kasi ayaw ng gobyerno ang Agricultural and industrial revolution. Instead puro BPO at call centers nalang...Yan ba ang tanging paraan para sa employment? mas gugustuhin ng mga pinoy mag mekaniko..ika nga blue collar job..pero sa lintik na 1987 constit na yan..Puro naghahari mga oligarko na me ari ng mga lupa at malalaking corporation na may essence ng nepotismo, namimili ng empleyado..at me kakilala.. E kung wala ka kilala.. Di ka grad nito.. Wala ka experience...sorry ka sa basurahan resume mo.. maski sa gobyerno kahit interes mo sa transportation dept wala pa rin kung wala ka ganito backer ETC. Isa pa yang carrer exam na yan na kakakainis lang di naman related eksamen mo..Halatang puro gusto matatalino lang nasa gobyerno....

    Me isa ako napasukang kumpanya siste di ko kinaya dahil sa bigat ng trabaho puyat, pagod matutuyuan ka pa ng pawis sympre wala pa OT..Samantalang mga me kaya na bumibili ng kanilang produkto sarap na sarap sige kain dito kain doon..Nakakanser din kaya ang tusino..Tapos 5 days na pinagpaguran mo di pa ibibigay sa kadahilanang di mo kakayanin..patayan ang trabaho tapos walang OT...nanahimik nalang ako para akong tanga....Kung pwesto nila malapit sa flyover sa QC ke sarap batuhin ng bote ng empi.. Ganyan kaabuso ang mga employer satin..Mag negosyo ka man..sigurado wala pa puhunan mo taga ka na sa TOO MUCH TAX EMPOSED..Lalo sa mga Sinasabi nilang SUPER Primera claseng CIUCDAD..baka paloadan lang 10k na? Talagang kakapit ka sa illegal kung ganyan

    ReplyDelete
    Replies
    1. yan nga dapat maging agricultural itong bansa. at dapat magbago na rin ang tingin at trato sa mga magsasaka. minamaliit ng mga putanginang mga matapobre.

      Delete
  7. isa pa sa pumatay ng agrikultura natin ang sinasabi nilang PESTENG FREE TRADE.. kaya pakinggan mo yung kanta ni Lourd na FUDTRIP..ang mura mura ng kamatis, bawang at sibuyas ang sarap mag gisa sige masarap mura kaso pinapatay nyo mga magsasaka sa mga produkto ng chinks

    ReplyDelete
  8. Pilipinas Kailan nga ba Magigising?

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Bakit nakakasawa ang mga Pinay?

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?

Bakit Madami Mga Squatters Sa Pilipinas?