Para umunlad ang ating economia, lagi tayong tumitingin sa ibang bansa at gayahin ang kanilang mga policies at practices. Isang bansa na laging ginagaya at minimithi nating tumabasan ay ang Singapore. Kahit ang kanilang sistema ng gobierno ay nais nating kopyahin kung tayo ay magshift sa parliamentary system. Pero ang dapat nating tandaan ay bawat bansa ay may pagkakaiba depende sa pinagdaanan ng kasaysayan ng bansa, kultura at relihiyon. Halimbawa, may Sharia Law ang Singapore at naka-ayon sa Koran ang kanilang batas. Itong ganitong uri ng batas ay hindi matatanggap ng mga mamamayang Pilipino. Kahit mga Muslim ay siguradong mababadtrip dito. May isang bansa na talagang dapat nating gayahin at pamarisan. Disiplinado ang mga tao, well trained sa lahat ng aspeto, malinis ang kapaligiran nila, pasensyoso at ang mga local council nila alam ang ginagawa. Ito ang Japan. Tayo na isang developing country ay magbebeneficio ng husto kapag matutunan natin ang policies na ginagamit ng Japan. Ting