Mga Pambobola Ni Duterte Na Pinaniwalaan Niyo Dahil Mga Tanga Kayo
Ito kamao ko.... isuntok ko sa mukha niyo. Mabilis pa sa isang kisapmata ang pagdami ng mga sumuporta sa isang hindi kilalang candidato noong 2016. Nang lumitaw ang pangalan ni Rodrigo Duterte na tatakbo bilang candidato sa pagkapangulo noong 2016 ay kaliwa't-kanan ang mga naglabasang mga grupo na sumusuporta dito. Kaya ating balikan ang mga pangako at plataporma ng sira-ulong Duterte na ito at ating analisahin kung itong mga pangako ba ay tama, natupad at nagbunga ng kabutihan sa ating bansa. 1. Lulutasin niya ang problema ng droga Ito ang numero uno sa agenda ng demonio. Ang bagay na talagang kinsusuklaman niya. Talagang diring-diri sa adik ang demoniong ito na parang napaka-personal ng galit niya dito. Ang droga daw ay nagpapahirap sa Pilipinas. Nang manalo ang gago, mahigit 700K na Pilipinong adik at tulak ay sumuko dahil sa takot nila. Wala namang saysay dahil walang rehab facilities para dalhin ang mga sumuko. Sila ay pinauwi na lang sa kani-kanilang mga tahanan at sa di kala