Mga Pambobola Ni Duterte Na Pinaniwalaan Niyo Dahil Mga Tanga Kayo

Ito kamao ko.... isuntok ko sa mukha niyo.

Mabilis pa sa isang kisapmata ang pagdami ng mga sumuporta sa isang hindi kilalang candidato noong 2016. Nang lumitaw ang pangalan ni Rodrigo Duterte na tatakbo bilang candidato sa pagkapangulo noong 2016 ay kaliwa't-kanan ang mga naglabasang mga grupo na sumusuporta dito. Kaya ating balikan ang mga pangako at plataporma ng sira-ulong Duterte na ito at ating analisahin kung itong mga pangako ba ay tama, natupad at nagbunga ng kabutihan sa ating bansa.

1. Lulutasin niya ang problema ng droga

Ito ang numero uno sa agenda ng demonio. Ang bagay na talagang kinsusuklaman niya. Talagang diring-diri sa adik ang demoniong ito na parang napaka-personal ng galit niya dito. Ang droga daw ay nagpapahirap sa Pilipinas. Nang manalo ang gago, mahigit 700K na Pilipinong adik at tulak ay sumuko dahil sa takot nila. Wala namang saysay dahil walang rehab facilities para dalhin ang mga sumuko. Sila ay pinauwi na lang sa kani-kanilang mga tahanan at sa di kalaunan sila ay isa-isang bumulagta sa pinaka malapit na banqueta sa kanila sa pamamagitan ng tokhang (tigok).

Ilang buwan din natin sinubaybayan ang drama sa telebisyon at diario. May mga drug lords na natimbag at kinatay na parang mga baboy. May mga drug runners na pinatumba at pinolitica ng mga kalaban ni Digong Demonio sa media. May mga protector ng drug lords na lumabas ang mga pangalan sa media na hanggang ngayon ay malaya pa rin at hindi nakakasuhan at may mga politico din na tinapon sa calabozo kagaya ni Leila De Lima.

Hindi naman kasi droga ang dahilan kung bakit naghihirap ang bansa. Sa mga mayayaman na bansa may problema din sila sa droga, pero kung ang atencion natin ibuhos sa droga wala tayong malulutas at nagsayang lang tayo ng pondo at pagod. Hindi na naman masasagot ng kahit sino kung bakit may gumagamit ng droga at kung bakit hindi malutas yan. Uubra lang ang marahas na pamamaraan sa mga bansang bulok tulad ng China. Ubusin mo ang lahat ng nagdodroga sigurado hindi magbabago ang buhay natin. Ginamit lang yan ng plataporma sa election at binombahan tayo ng mga information kung saan na-condition ang utak natin na magalit sa durugista dahil sila ay may kagagawan ng lahat ng ating paghihirap at ang tanging sagot na lulutas sa problema natin ay yung demoniong mayabang. Ayan nanalo na ang demoniong mayabang pero may droga pa rin. Natatakot ka naman na magsabing palpak si Digong dahil ang automatic na isasagot sa iyo ng mga DDS ay Dilawan ka, palpak ang Dilawan at drug addict ka siguro. Yan ang seniales na may mga nauto at na-brainwash. 

Ngayon naman wala na ang Operation Tokhang ay may droga pa rin sa Pilipinas, madami pa rin adik at marami pa rin tulak at marami pa ring drug lords. Hindi nagtagumpay ang War on Drugs ng mayabang na demonio. Nag re-calibrate lang daw ng una sa War on Drugs pero yung anak niya pala ay lumilitaw na isa sa mga big time drug lords! Tropa pa mga drug lords din. Sabi nga, tell me who your friends are and I will tell you who you are. Kaya naman pala personal ang galit sa droga dahil durugista kasi ang anak.

2. Nalimutan ng mga obobs na Pinoy ang issue na kinasasangkutan ni Pulong

Mabilis naman nabaon sa limot ang mga issue na kinasasangkutan ni Pulong sa droga dahil sa kaliwa't-kanan na mga controversia na nilalabas ng pro-admin bloggers at fake news makers. Isa sa mga pakulo nila ay i-discredit si Trillanes. Lumang tactica na yan siempre na kapag may akusasyon laban sa isang tao, ang kampo ng mga akusado ay maglalabas ng baho para i-discredit ang mga nagaakusa. 

Nilapastangan nila ang pagkatao ni Trillanes gamit ang pag walk-out niya sa Senado nang gisahin nila Enrile. Nilabas din ang mga lumang issue tungkol sa Oakwood Mutiny. Naglabas ng mga memes kung saan hinahatak si Trillanes ng isang sundalo matapos ang pangalawang mutiny ni Trillanes laban sa administracion ni Arroyo. Nagkalat din ang mga memes kung saan ang ulo ni Trillanes ay pinalit sa ulo ng isang maliit na aso in relation naman sa akusasyon na siya ay attack dog ng LP. 

Walang saysay ang mga bagay na ito kung may utak lang ang mga Pinoy. Ito ay walang kinalaman sa issue ni Pulong at ang issue ni Pulong ay mas malaki pa sa mga nakaraang pagkakamali ni Trillanes! Si Pulong ay may kinalaman sa drugs, ang mga tropa niya mga kilalang drug smugglers kagaya ni Kenneth Dong na pinangalanan ni Mark Taguba na middleman sa shipment ng shabu na nagkakahalaga sa P6.4 billion. 

Alam niyo mga urot, kung ang kagaya ni Pulong ay may mga tropa na kagaya ni Kenneth Dong, Charlie Tan na mga big time drug smugglers, si Pulong ay sangkot na din at malamang talaga na may kinalaman na din. Kahit ipaglaban mo pa na kung ikaw ay may kaibigang addict hindi ibig sabihin addict ka na rin diba? Oo, sa ilalim ng tatsulok diverse tayo dito. May tropa akong adik, ako hindi adik. Tama. Pero pag akyat mo ng tatsulok ha ogag ka, lumiliit na ang mundo ng mga yan. Ikaw ba na adik ay tropa mo drug lord mo? Gago ka. Baka patayin ka niyan. Hindi ka totropahin ng drug lord mo kasi alam niya na pag ma-adik ka na at wala ka na pambili ng droga eh tatambay ka sa bahay niya para makahingi ng libreng droga, gago! Ganyan yan putangina niyo gumamit naman kayo ng discarte mga putangina kayo.

At bakit di ipakita ni Pulong yung tattoo niya? Putangina, kung pinakita niya yun at mali si Trillanes eh di tapos ang usapan! Hindi niya pinakita eh di ibig sabihin may tinatago talaga. Putanginang yan at yung tatay niya berdugo daming adik na pinapatay pero yung anak niya buhay pa eh drug lord o drug lord protector yung demoniong mukhang dragon! Pweh! Mga putangina niyo! 

3. Mag jetski papuntang Spratlys para itanim ang bandera ng Pilipinas

Naniwala ka naman putangina ka? Sana naniwala ka na lang ikaw si Superman at ikaw ay nakakalipad tapos ihagis mo sarili mo sa mataas na gusali sa Ayala para mawala ka nang putangina ka! Bobo! 

Hindi yan gagawin ni Digong dahil ang China ang dahilan kung bakit siya ang pangulo natin ngayon. Nilagay siya diyan ng China para may poprotecta sa interes nila at hindi na aangal ang Pinas sa mga kalokohan na ginagawa nila sa West Philippine Sea.

Si Digong ay hindi trapo, pero siya ay Manchurian Candidate. Na infiltrate tayo ng China dahil tayo ay mahina kumilatis. Madali tayo madala sa emosion at maniwala sa mga pangako. Hindi tayo gumagamit ng utak at mahina ang logical thinking natin. Tingnan niyo nga ang discurso ngayon sa social media na expose kung gaano kabobo mga Pinoy. Tingnan niyo mga comments sa mga video na nilalabas ni Tulfo. Napaka-daming abugado akala niyo kung sino na yun pala yung mga inidoro nila sa bahay eh de buhos putangina ang dumi-dumi! Ang baho ng tae!

4. Isusulong ang Federalismo 

Anong federalismo? Matatapos na ang termino ng inutil eh wala pa rin evidencia na alam ng gagong yan kung ano ang federalismo! Noong nangangampanya pa lang yan si Digong hindi na niya ma-articulate kung anong klase ng federalismo ang gagamitin niya para sa Pinas. Pero ang daming naniniwala at pinaglalaban pa gamit ang version nila ng federalismo! Napakagaling ng tactica talaga ano? Kung sino mga strategist ni Digong sigurado binabayaran ng limpak-limpak na salapi. Talagang mga top notch psychologist at social scientist ang mga putangina. 

Naalala niyo pa sinubukan ni Mocha ipaliwanag yan pero kahit sila nalito at gumawa na lang ng kalaswaan kasama yung baklang influencer na nakikisakay sa wave of fashion na maging DDS blogger? Ang daming nagsuko at mula noon ay binitawan na lang nila ang federalismo. Talagang hindi na nila binuhay ang federalismo na yan dahil wala naman talaga silang idea. Naloko lang tayo.

5. Buwagin ang oligarkiya

Buwagin lang ang mga unang oligarkiya pero papalitan ng oligarkiyang Chino at Bisaya. Nauto na naman tayo diba?

Kasi sa totoo lang kailangan mo ng oligarchs. Ang dapat na terminolohiya kasi na ginagamit ay hindi oligarchs dahil sa masama ang connotation ng salitang yan. Captains of the industry ang nararapat. Iresponsable kasi ang media natin na yung mga captains of the industry noong panahon ni Marcos ay binigyan ng masamang imahe kaya yan tuloy, tumatak sa isipan natin. 

Ngunit itong mga oligarchs natin kagaya ng mga Ayala, Sy, Pangilinan o Caktiong ay hindi totoong captains of the industry. Sila ay mga walang kwentang oligarchs talaga. Wala naman silang mga innovations na naintroduce. Wala naman silang charity na binibigay sa iba. Kuha lang sila ng kuha. Gusto lang ng mga yan ay kumita.

Mas mahalaga sa kanila ay maging pinaka dominante sa negosio sa atin at patayin ang mga small players. Hindi conducive para mag succeed ang maliit na negosio. Ang lugawan mo tatabihan ng Jollibee hanggang magsara. Ang malls naman sila ang may-ari ng grocery, at iisa lang ang grocery sa loob ng isang mall. Walang pagkakataon na pumasok ang ibang player para kumita din. Sila lang. Cultura yan ng mga Inchik. Hindi sila captains of the industry. Sila ay mga totoong oligarch. 

Ang policia ba ni Duterte ay nageencourage na may tatayong panibagong captains of the industry? Hindi. Tingnan mo paborito niyang oligarch kaliwat-kanan binibili negosio sa iba-ibang industria. Gusto lang kumita at maging pinaka dominante. Kamukha pa ni Kim Jong Un yung gago.

Kaya anong bubuwagin ang oligarkiya? Nagpalit lang ng gulong yung kumag. At ang hugis ng gulong ay tatsulok. At ang biyahe natin ay patungo sa bangin.

6. Aalisin ang palakasan at wawakasan ang corruption

Sistemang bulok ay nariyan pa rin. Kung tawagin din yan ay migo system. Basta amigo, protectado. Sino ba mga malakas kay Digong ngayon? Mga Davao based Chinese businessmen. Ito ang mga taong tumulong at nagpondo kay Digong at naghatid sa kaniya sa Malacañang. Kaya pag nanalo na kailangan niya tulungan ang mga ito na mabawi ang kanilang mga naipundar. Utang na loob daw. 

Kaya walang katapusan ang corruption dahil sa utang na loob. Si Penot maraming binigyan yan ng favor pagkatapos manalo. Ganyan din si Digong. Hindi lang sila ang guilty diyan, Lahat ng mga naunang pangulo sa kanila ay tumanaw ng utang na loob. At ang mga taong ito na masipag sa pangangampanya ng isang candidato ang mga buwitre na nagnanakaw sa bayan. Papasok itong mga hudas na ito sa gobierno at may access na sila para mag secure ng mga malalaking contrata. Itong si Christopher Lao ay bawing-bawi na sa pinuhanan niya sa pangangampanya ni Dugong sa election. Bilyones na kakapiranggot na capital niya. Si Bong Go naging senador na, bilyones na ang contrata. Isipin niyo pa kung sino-sino mga kumita sa dolomite beach scam na yan. Hindi kasi papayag mga hudas na yan na hindi matuloy ang hindi naman kinakailangan at walang silbing dolomite beach dahil limpak-limpak na salapi ang nakataya diyan. 

Sa susunod na election alamin natin sino ba mga backer ng mga tatakbong candidato at malalaman niyo kung anong klaseng scandalo ang kasasangkutan ng inyong manok kung sakaling manalo. Mas lalong mag-iingat kung hindi transparent ang isang candidato. Kaya yan mga alipores ni Duterte ngayon lang naglalabasan. Nakakahiya naman ngayong may pandemia pa sila nang-hudas. Hindi talaga nila mapigilan ang gumawa ng katarantaduhan. Todo tanggol pa si Dugong kaya wag niyo na ipagtanggol yan dahil enabler din siya. Kunwari pa simple mamuhay. Pweh! Nauto na naman kayo!

Itong si Bong Go putanginang matagal na akong naaasar sa putanginang pagmumukha nito eh. Saan ka nakakita ng senador na parang alalay ng pangulo? Paano siya nakakapag-trabaho ng maayos? Kaya pala kapag nasa senado eh ang daming codigo na ginagamit. Nilalampaso siya ng mga beterano na kagaya nila Drilon. Kung naabutan yan ni Miriam Defensor Santiago sigurado umiyak yan at araw-araw na papasok siya sa senado at nandoon si MDS eh mangangatog yan. Magkakanda-utal yan sa pagsasalita kapag ginigisa siya doon. Sarap suntukin ang putanginang gago.

7. Wawakasan na ang Endo

Dami na namang naloko at ang daming naniwala. Pinirmahan ni Digong ang panukala na pagbawalan ang mga compaña na maglagay ng policy na contractual. Hindi nagtagal ay mismong si Digong din ang nagbasura ng panukala kaya ayan may endo pa rin.

Hindi naman kasi feasible ang bawalan ang mga compaña sa pagbibigay ng endo. May mga negosio na kailangan ang ganitong term lalo na sa mga trabaho na matuturing na dead end job. Fast food workers, SM sales at pagpopokpok ay may maikling lifespan talaga. Isipin mo habang buhay nagpokpok ang isang babae eh sa tingin niyo ba itetable niyo pa rin yan kapag losyang na? Kahit ang braso ay quadrado na, apat na ang balakang, parang papayang luntoy na ang mga joga, amoy imburnal na ang hininga at parang kweba na sa laki ang puki ay gaganahan pa mga customers diyan?

May mga trabaho na pang short term lang talaga. Magandang intencion naman din sana pero hindi uubra. Ayos lang ang mga short term jobs na yan para sa mga gusto ng sideline jobs o kaya mga working students. Hindi dapat sila mangarap na habang buhay eh magtrabaho sa SM at batiin mga customers ng "hello po mamser welcome to SM."

8. Miscellaneous rules na wala lang...

Pinagbawal ni Dugong ang pagpapaputok ng labintador sa Bagong Taon. Itong bagay na ito ay tradition na nating mga Pilipino. Payag naman mga bobong gago na DDS. Hindi na naawa sa mga taga Bulacan at ito ay industria nila. Kaya pinatay ni Digong ang industria dahil locally made na paputok lang ang pinagbawal. Puede ka pa rin bumili ng paputok basta ang bibilhin mo ay Made in China. Anong napala natin? Diba wala? Dumami lang mga naghihirap.

Kagaya nitong sa face shield scam na sangkot ang mahabang baba na si Bong Gago. China na naman kumita diyan. Sobrang mahal ng face shields at PPE na binili ng gobierno samantalang may mga local producers naman na mas mura. Sino ba mahal ni Dugong? Pinoy o mga Chekwa? Nakakainsulto na ito.

Isa pang nakakabwisit yung pagbabawal sa pagyoyosi sa publikong lugar. Ano ba problema nila at kailangan nila gawin yan? Para isipin ng mga tao na may ginagawa sila? May ibang natuwa kasi hindi na daw sila makakalanghap ng yosi at masama daw sa kalusugan. O, ayan singhotin mo itong Covid gago ka, Made in China yan. Magpasalamat ka sa producto ng China!

Hindi totoong nakakatulong ang mga ganitong pagbabawal. Ang pagbabawal gawain talaga yan ng isang tao na walang alam. Basta ibawal mo lang ito, ok na yan. Isipin ng mga DDS nagtatrabaho ang pangulo. Mga tanga! Taasan niyo standards niyo mga buwa kayo ng ina niyo!

Comments

  1. Bro! Mabuhay at nagbalik ka na! akala ko hindi ka ng mag popost ulit. Maraming salamat s napakaganda at very informative mong entry ngayon. Ipopost ko to sa facebook ko dahil marami akong friends na DDS. Gusto ko lang makita uminit ulo nila hahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat pre.

      Maisusulat pa ako.

      Baka kasi isipin niyo a Covid na ako eh

      Delete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Bakit nakakasawa ang mga Pinay?

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?

Bakit Madami Mga Squatters Sa Pilipinas?