Pilipinas Magdiwang ngayon sa tagumpay ng ating Pambansang koponan sa basketball. Ito ay pinaghirapan at ito ay karapat-dapat. Hindi natin ito inaasahan at ang ating koponan at lubos-lubusan ang pinagtagumpay sa Asian Games Basketball. Pero kaya ba nating ulitin? Isa sa mga napatunayan ng koponan natin na dinadala ni Tim Cone ay hindi kailangan ang matagalang paghahanda na laging inuulit-ulit sa media, sports analyst at mga basketball stakeholders kagaya ng SBP. Yan ang matagal ko nang sinasabi! Basta may maayos na leadership, kahit anong tournament salihan natin makakahanap tayo ng paraan na manalo. Basta wala nang mga Chot Reyes at Yeng Guiao, makakaasa tayo ng tagumpay. Pero importante na maintindihan din natin na ang Asian Games basketball ay non bearing na para sa mga East Asians kagaya ng China, Japan at Korea. Tayo ay nagkaroon ng advantage dahil kahit hindi pa Team A natin naipada, ang mga kalaban naman natin ay mga Team B players ng kani-kanilang bansa. Ang kalahati ng ating