Posts

Andres Bonifacio Nahuli sa Binabalak na Kalokohan

Image
Alam niyo ba na si Andres Bonifacio ay namulitika lang sa Cavite? Matapos niyang matalo sa election ay nagpatawag ng meeting kasama ang ibang mga oficiales ng Katipunan para lumagda sa tinatawag na Naic Military Agreement. Nang biglang dumating si Emilio Aguinaldo at sila ay nataranta, si Andres Bonifacio ay muntik pa mahulog sa hagdanan sa pagmamadali. Makinig mamaya sa  https://indiosbravos.mixlr.com/events/2755770 . 

Gilas sa Asiad

 https://indiosbravos.mixlr.com/events/2753134 Live tayo boys! 1040pm antay lang kayo pasok ako. Hindi niyo na kailangan mag sign up sa Mixlr at sa pagkakaalam ko puede gamitin FB. Anyway, yung link nasa itaas.

Ang Matinding Kapalpakan ni Andres Bonifacio - Bakit ang Pinaglabanan ay Pinagtalunan?

Image
Andres Bonifacio Para sa mga nanood ng Bonifacio: Unang Pangulo ni Robin Padilla, malamang nakita niyo eksena sa labanan sa San Juan kung saan nanalo ang puersa ni Andres Bonifacio laban sa mga Kastila. Paano kung sabihin ko sa inyo na embellished at puro kabalbalan lang pala ang pelicula na yun? Ang totoong nangyari sa San Juan noong Agosto 30 1896 ay hindi nauwi sa tagumpay, kung hindi sa isang pagkakalampaso. Isang super diyahe na pagkakalat ng mga pangkat ni Andres Bonifacio na nagresulta sa pagkakabuwag ng Katipunan sa Manila at pagkakatuldok sa tinatawag na Manila Uprising. Handa na ba mga tissue niyo? Preludio Sa Isang Malaking Kapalpakan Ng Supremo Dahil ang Katipunan ay malapit nangatunton, napilitan ng iba't-ibang sangunian ng Katipunan na lumantad na at simulan ang Revolucion sa pamamagitan ng sabay-sabay na pag atake sa Intramuros. Noong una ay tinutulan ito ng iba't-ibang sangunian ng Katipunan upang iconsulta muna kay Dr Jose Rizal. Alam naman natin ang ...

Walang Kinalaman Ang Chemistry

Image
Sino ang basketball megamind sa Pilipinas? Itong chemistry ay hindi sanhi ng pagkabigo ng Pilipinas sa international tournaments. Ilang beses itong inuulit-ulit sa media at laging talking point ng kung sino mang mapipiling coach. Ito ay palusot na naka-laminate na at laging nilalabas na parang Get Out Of Jail card tuwing mabibigo at magpapakita ng super diyahe na display sa mga tournaments. The best explanation is the simplest one. Ayaw na kasi nating mag analisa at mag-isip dahil sa matinding katamaran na ingrained na sa ating cultura at dala na rin ng sobrang kabobohan. Kaya tuwing olats ang laging talking points ay lack of preparation time, lack of team chemistry. Minsan nasasali pa ang officiating sa listahan ng mga grievances at palusot ng mga poncio pilatong coach natin na brilliant tactician at basketball mastermind sa isip lang nila. Akala mo naman kung pabor sa atin ang tawag ng mga referee ay mananalo pa rin tayo. Wala ka magagawa sa superior na offensive rebounding at outsid...

Ang Realidad Ng Basketball Natin

Image
Matapos ang pagkabigo ng Team USA contra sa Alemania (Germany), isang local Filipino sports reporter ang nagtanong kay US coach Steve Kerr kung mas mainam ba na mag practice ng mas matagal. Sagot ni Steve Kerr ay unrealistic ang magsama-sama at mag practice ng mas mahabang panahon.  Yan ang matagal ko nang sinasabi dito. Ang paniniwala natin na ang susi sa isang matagumpay na tournament ay isang napakahabang preparation mapa-Asian Games man or World Cup Qualifiers. Tayo lang sa buong mundo ang gumagawa nito. Ang ibang bansa na-mamanage na mag assemble ng competitive na team ilang lingo bago magumpisa ang tournament gamit mga amateur players at nilalampaso mga players natin na puro professional na naghanda ng dalawang taon.  Ang resulta, super diyahe na laro, nagkalat ng tae parang mga hindi professional players, nabanat ng husto at nagmukhang uugod-ugod. Ang yayabang pa ng mga coaches na mo mga master tacticians sa basketball, todo ang marketing talagang may slogan pa, logo at...

Ang Taas Ng Pride Ni Chot Reyes

Image
Ang dahilan kaya nagpumilit siya na magmando ng National Team ay dahil sa taas ng kanyang pride. Ayaw niya aminin na may mas mahusay mag coach sa kaniya at banyaga pa. Di niya matanggap yan siguro dahil na rin sa hindi siya umubra sa basketball noong kabataan niya kaya pinasok niya coaching na lang kasi matalino daw siya. Ayun, kulang sa karanasan kaya walang mahugot pag natatalo na sa isang encuentro at kalaban mas well trained, mas matatangkad at may mas mahusay na coach. Gusto niya lang na siya ang kilalanin na pinakamagaling na coach sa Pilipinas at makarinig ng papuri sa mga counterparts na coach.  Kung hindi mataas ang pride niya sana naiwasan niya na humantong dito na iniinsulto siya at pinagtatawanan. Siya sana ay nagresign habang may panahon pa! Sana ay ipinaubaya niya sa iba ang trabaho na hindi na niya kayang gampanan! Mahirap man tanggapin, sadiyang hindi siya ang nararapat na mag-mando ng National Team dahil sa wala siyang sapat na karanasan at talino para dalhin ang P...

Live Tayo Mamaya - Chot Reyes at Fiba World Cup Campaign ng Pinas

https://indiosbravos.mixlr.com/events/2693235 Live tayo mga pare ko!  930pm diyan  Dami magagandang kanta at shempre paguusapan natin ang FIBA World Cup Campaign ng Pinas at ang pag resign ni Chot Reyes!