Posts

Showing posts from January, 2024

Monologue Ni Jo Koy sa Golden Globes

Image
At natupad ang inaabangan ng lahat ng mga hambog Pinoys na makita ang Pambansang Comediante natin na si Jo Koy na maging host ng Golden Globes. Bilang host siya ay obligadong magbigay ng monologue kung saan kanyang pagtitripan ang mga panauhin na binubuo ng mga who's-who ng industria ng pinilakang tabing. Mga taong kagaya nila Brad Pitt, Ben Affleck, directors, producers at writers. Mahirap na trabaho yan at talagang nakakanerbyos nga naman kahit ikaw ay batikang stand-up comic, ibang crowd na ito na siguradong pahihirapan ka. Susi dito ang pagiging matapang at matatag. Magtiwala sa materiales na meron ka, paghandaang mabuti at pagdating ng takdang oras hindi ka matitinag at kahit sandali hindi ka dapat mag alangan sa mga linya mo ito ay dapat mong ihatid ng walang hesitasyon.  Yun nga lang, pumiyok siya at yun ang kaniyang kinasira dahil yung ilang sandali na nagpakita siya ng kahinaan ang maaalala ng media. Maganda naman ang kabuuan, yun lang may ilang saglit na sinisi pa niya mg...

Live tayo mga urot

https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2334033 Kinig kayo dito kung tamad kayo magbasa.

Bakit Ang Daming Bopols Sa Pinas?

Image
Ang kaka-Ingles natin ang nagpapabobo sa atin. Ingles ang ginagamit na mode of instruction sa mga paaralan. Salita din ito na ginagamit sa mga pahayagan at sa telebisyon. Ito rin ang ginagamit na lenguahe sa Saligang Batas. Pinagmamalaki natin na tayo ay pangalawang bansa na maraming English speakers. Pagmagmalaki tayo akala mo kung sinong mga hari na may malaking corona sa ulo pero nakatayo naman sa mataas na imbakan ng basura. Eh ano ngayon kung tayo rin ang pinakabopols? Ayon sa bagong pagaaral na ginawa ng World Bank, 80% ng mga magaaral sa atin ay hindi bihasa sa kaalam. Sa madaling salita, ang mga kabataan ngayon ay mga utak buris. Mga Ompong Galapong, may ulo pero walang tapon! Masama yan para sa hinaharap ng ating bansa. Itong report na ito ginagamit ito ng mga investors para malaman kung maganda ba mag-negosyo sa bansa natin. Kung makita nila ang report na ito, hindi sila pupunta dito para mag set up kaya asahan niyo na magaalisan ang mga trabaho na nasa atin ngayon dahil baba...

Consolidation Ng Jeepney

Image
  Bakit ngayon lang? Sana naman sa susunod eh wala na jeep. Sana umpisa lang ito at palitan ng bus at trains mga yan. Puede naman training sa mga drivers para sa pag transition sa bagong trabaho. Walang imposible!  https://indiosbravos.mixlr.com/recordings/2328531