Posts

Showing posts from September, 2020

Bakit Ayaw ng masa kay Alan Peter Cayetano?

Image
Padre Damaso o si Bongbong Marcos? Kakaiba din ang memory ng mga Pinoy ano. Parang kailan lang minumura ng mga tao itong si Alan Peter Cayetano dahil sa kasali siya sa listahan ng mga nabiyayaan ni Napoles tapos biglang naging santo kasi dikit nang dikit kay Digong. Biglang naging Mr Clean, burado mga katanungan dahil sumuporta kay Duterte. Puede ka pala gumawa ng kagaguhan at kademonyohan pero yan ay biglang malilinis basta itaas mo ang iyong mga kamao kasama si Tatay Digong. Suportahan mo lang ang mga panukala ni Digong, absuelto lahat ng kademoniohan na nagawa mo. Yan si Cayetano. Matagal ko na din pinagiisipan kung ano ba talaga ang deal nito. Noong 2015 ay lumuhod yan kay Duterte para pumayag na tumakbong pangulo at siya ang kuning ka-tandem niya bilang bise presidente. Pahayag pa nga ni Duterte noon na naawa lang daw siya kay Cayetano kaya pumayag siya kasi mabait naman daw. Loco din eh. Pero kung trapo ang paguusapan, itong si Cayetano talagang sukdulan. Kahit si Satanas kab...

DENR ay Pugad ng mga Ungas

Image
Ang buhangin sa Manila Bay ay natural na maitim at halos kakulay na ng buhangin sa tabi ng vulcan. Kaya ano na naman itong naisipan ng mga magagaling na scientist ng administracion ni Duterte at tinambakan nila ng dolomite yan para gawing Boracay? Isang malaking aksaya ng pera at katontohan yan maniwala kayo. Bigyan niyo ng isang taon at ang buhangin na yan na hinahangaan niyo ngayon ay mangingitim ulit na parang kili-kili ng bakla. Alam niyo ba ang erosion? Ang alon ay kakainin yang buhangin na yan at hihilahin papunta sa laot. At habang dumadating ang alon ay may dala rin itong mga buhangin. Ang buhangin na ito ay itim kasi yun ang natural na kulay ng buhangin diyan. Gamitin niyo ngayon ang mga utak biya niyo. Isang taon lang tapos na yan at mas mapapabilis yan pag bumagyo pa. Siguro kung ang pera na ginastos diyan ay pinambili na lang ng transistor radio na sinasabi ng Pangulo para sa home schooling ng mga mahihirap na estudiante nakatulong pang tunay. Biro lang, walang quenta na su...

Pilipinas ang Original Bully sa South China Sea

Image
Walang duda na ang China ay bully. Ginagamit ng China ang lakas ng kanilang navy at ang higanteng economia nila. Wala na tayong laban dahil talagang kulelat ang ating mga lumulatang na lata. Pinabayaan talaga ni Cory Aquino at lahat ng mga sumunod na presidente natin. Kahit isigaw pa natin na naging panalo tayo sa Court of Arbitration, wala naman tayong magagawa dahil mahina ang ating NAVY compara sa China. Bully nga ang China, yan ang totoo. Pero alam niyo ba na ang Pilipinas ang unang bully sa region natin? Kailangan balikan natin ang naging ugali ng Pilipinas pagkatapos ng WW2. Tayo ang original bully sa South China Sea. Ang lahat ng kakupalan na ginagawa ng China ngayon sa South China Sea, ay una na nating ginawa pagkatapos ng WW2. Ang yayabang talaga natin noon dahil katabi natin si Uncle Sam. Pilipinas at America ang original kupal. Oo, bully ang Pilipinas noon at yan ang totoo! Sino unang nang-angkin ng isla sa Spratlys Islands at nagtayo ng infrastructures diyan? Pilipinas. May...