Bakit Ang Isda Mahirap Turuang Magbisikleta?

Ohkey, ganto magbisikleta ha manood kayo
Hindi ba't isa sa mga reklamo natin sa mga nakaraang administracion ay ang nepotismo? Ang nepotismo ay isa sa mga dahilan kung bakit ang mga ahensya ng gobyerno ay mabagal, tanga at walang silbi. Dahil kung sino-sinong poncio pilato na pinaguutangan ng loob ay nilalagay sa posisyon na sila ay makakapangurakot? Bureau of Customs lalo na matagal nang talamak sa nakawan sa ahensya na yan dahil sa mga nilalagay ng incompetent, walang kakayahan, walang karanasan at walang alam na mga kaibigan, kamag-anak, kakilala at pinaguutangan ng loob.  Sa panahon ni Cory, Ramos, Erap, Gloria at Abnoynoy yan ay isang malaking sakit ng ulo. Ngayon sa administracion ni Duterte, wala itong pinagbago.

Sino nilagay niya noong una sa Bureau of Customs? Si Faeldon.

Ano nagawa ni Faeldon para maging deserving na Bureau of Customs chief? Wala lang. Actibong taga suporta lang ng pangulo.

Ano naging resulta? Ayun, nakawan pa rin at nakalusot mga ilegal na droga sa ating bansa.

Paano nangyari ito? Kung hindi corrupt si Faeldon, siya ay incompetent. Hindi niya kabisado ang trabaho dahil ito ay "way out of his league and capacity." Bukod sa pagiging recipient niya ng migo system (amigo system, amigo = kaibigan), ang kanyang mga amigo pinasok din niya at binigyan ng posicion sa loob ng customs. Ayun nangulimbat ang kanyang mga kasamahan at naghasik ng katangahan kaya lahat sila doon ay bagsak sa kulungan.

Dahil si Faeldon ay nalagay ngayon sa kumunoy ng kumukulong tae gawa ng kanyang katangahan, si Digong naman ay nilagay si Lapeña bilang kapalit. Walang pinagbago dahil si Lapeña ay isa na namang walang kaalam-alam. Para hindi mapahiya ang kaibigan niyang si Lapeña, siya ay nilipat ni bestfriend Digong sa TESDA at pinalit si Rey Leonardo Guerrero isa na namang katropa na wala namang karanasan sa trabaho ng customs, basta amigo ka, ilalagay ka sa pwesto. Alam niyo na nangyari sa kanya diba? May nakalusot na shabu sa magnetic lifters na nagkakahalaga sa P11 Billion na nadiskubre ng PDEA. Ito promotion for a job well done!

At ano naman gagawin niya sa TESDA? Ano ba karanasan ni Lapeña na transferable sa TESDA? Ang TESDA ay institution para magbigay ng bagong skills or mag enhance ng skills sa mga Pilipino para matulungan nila ang kanilang sarili at maging employable. Kaya sino ba si Lapeña, ano ang background niya para siya ilagay diyan? Dating director ng PNP at head ng security team ni Duterte. Ngayon, bakit siya nilagay sa Bureau of Customs kahit na wala siyang kakayahan na gampanan ang position na yan at mas lalo na hindi niya kaya ang TESDA.

Ngayon tingnan mo mga credentials ni Pareng Rey Guerrero, ang pinalit ni Digong kay Lapeña - bronze cross medal, silver wing medal, military merit medal pero walang indicasyon kung siya ba ay may karanasan sa pag manage, pagusisa, pagbusisi, pag inspeksyon, kaalaman sa batas ukol sa kalakalan, process improvement. Puro related sa pagiging sundalo. Hindi naman mataas ang qualifications na hinahanap para maging customs officer dahil Bachelors degree lang naman ang kinakailangan para maging customs officer. Kaso customs chief ang pinag uusapan dito! Hindi naman yan entry level! Pinakamataas na position kaagad sa ahensya na yun ang binigay na trabaho sa kanya! Bunganga lang ang puhunan niyan. Sanay lang yan manigaw ng tao, pero walang outside the box thinking, walang solution, walang bagong ideas. Bunganga lang. Kapag may gawin kang kapalpakan, bungangaan ka. Pag may nagawa naman na maganda mga taohan niyan shempre kanya lahat ng credit. Putangina mo sabihin mo sa akin hindi totoo yan? Putangina ka.

Hindi lang sa Bureau of Customs nangyayari ang mga appointment ng mga taong walang kalatoy-latoy sa mga puesto na kailangan ng mga marurunong at taong may karanasan.

Si Cesar Montano na nilagay na chief sa Tourism Promotions Board. Kailan lang nag resign siya dahil sa mga anomalya na naglabasan kagaya ng pag waldas ng pondo at mismanagement. Nepotismo, isa pa sa mga akusasyon laban sa kanya dahil biglang inappoint niya ang kanyang kapatid at ilang mga kaanak sa key positions sa loob ng ahensya. Nang sumingaw yung mga anomalya - P80 million food sponsorship deal para sa Buhay Carinderia, as expected, si Montano ay nagtuturo ng kung sino sino na puedeng idawit. Nadawit pa si Wanda Teo at lahat ng tae ay nagbulatlatan na. Parang may nagsindi ng labintador sa tuyong tae ng kalabaw at ang mga tarantado ay kumakaripas ng takbo sa iba't ibang direksyon.

Kumanta na din ang ibang mga empleyado ng Tourism Promotions Board at sinumbong sa media na si Montano ay nag waldas ng pondo at nag apruba ng mga events na kasama si Montano sa mga performers. Agoy. Yan ang tinatawag na double dipping.

Ito pa si Mocha Uson, ang tinaguriang Reyna ng mga Pekeng Balita, ay isa rin recipient ng migo system. Pagkatapos ng pagkapanalo ni Duterte sa 2016 Presidential Elections, si Mocha ay na-assign sa MTRCB. Buong tapang pa na sinabi ni Mocha na ibaban niya ang mga malalaswang palabas. Hindi ba diyan siya nabuhay noon sa kalaswaan? Halatang utak kulugo eh. Matagal na nating problema yan MTRCB na yan dahil sa ultra conservative na mga policies, tapos maglalagay ka ng isang hipokrita na mas lalong papatayin ang industria. Tanginang yan, mula nang ilagay nila mga desente kuno diyan, nagsara mga maliliit na players sa movie industry kaya ayan hawak na ng Star Cinema ng ABS CBN at GMA Films tapos maglalagay ka ng gaga diyan para mas lalong kontrolin ng mga higante ang industria? Ipagbawal din niya mga kabaklaan at sa telebisyon at pelicula kung talagang patas siya. Wala naman siyang nagawa sa MTRCB dahil ano ba alam niya diyan?

Pagkatapos ng MTRCB misadventure ni Uson, nilagay siya sa Presidential Communications Operations Office. Yan ang forte ni Mocha sa communications. Kaso wala naman siyang nagawa diyan dahil biglang sumingaw yung baho niya at napag alaman na siya pala ay maraming overseas junkets gamit ang perang pinaghirapan ng taong bayan.

At sino makakalimot sa ginawa niyang video kasama si Drew Olivar, isang baklang social media influencer na pro admin, para ipaliwanag in layman's terms ang federalismo na naging basurang video na kinukumpara ang federalismo sa pepe at dede. Hirap talaga turuang mag bisikleta ang isda.

Ngayon ang mga DDS ay parang mga INC na din. Sobrang panatiko pero di naman lubusong naiintindihan ang kanilang pinaniniwalaan. Sige tanongin mo sila kung ano ang federalismo.

Wala siyang pinagiba sa mga corrupt at magnanakaw na noong nangangampanya siya para kay Digong ay pinapahiya niya sa social media. Nang siya ay malagay na sa position yun din pala ang ginawa niya, ang magnakaw.

Ngayon alam niyo na kung bakit puro palusot ang mga opisyales tuwing may kataranduhang nangyayari sa mga ahensya na hinahawakan nila? Kung sino sino tinuturo at pag wala nang mahanap ng masisisihan ay sasabihin sinabotahe siya. Kasi wala silang solution sa mga problema at issues na kinahaharap nila. Walang solution dahil walang alam. Walang alam dahil walang karanasan. Pero sila ay itinalaga diyan kahit sila ay walang alam at tayo ngayong mga mamayan panay tayo reklamo sa katangahan pues ngayon ay alam niyo na kung bakit.

DIYAN KAYO MAGALING!

Comments

  1. Thank you amigo! Napaka astig ng blog mo amigo!

    ReplyDelete
  2. Pre may baklitang hinayupak na naman na ng-CR sa women's room kahit may lawit pa. Gawan mo naman ng article un!

    ReplyDelete
    Replies
    1. On it bro. At may part two din itong articulo na ito dahil sa bagong kumunoy ng kumukulong tae na kinalulunuran ni Faeldon.

      Delete
    2. nawalan ng trabaho ung janitress dahil sa kaartehan at di pag intindi ng baklang yun. Napaka sinungaling pa. Sinampal at kinaladkad daw siya palabas ng CR eh di niya alam na may CCTV. Hayop talaga

      Delete
    3. Paki check na lang at may bagong articulo tungkol kay Gretchen Diez at Geraldine Roman na mga bakla.

      Delete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Bakit nakakasawa ang mga Pinay?

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?

Bakit Madami Mga Squatters Sa Pilipinas?