Pilipinas vs New Zealand Asia Cup Basketball Qualifiers 2024
Siempre masaya tayo at nakaisa din sa New Zealand na matagal na nating tormentors sa international basketball. Mas lalong lumakas ang paniniwala natin sa sistema ni Tim Cone na triangle offense. Maganda siempre ang magkaroon ng sistema ang ating team para matigil na yung kalat-kalat na laro natin na nakaka-frustrate panoorin at laging nagbibigay ng nakakadismayang resulta. Sa ilalim ng triangle offense maganda ang spacing ng ating mga players at na-encourage ang mga players natin na gumamit ng diskarte. Ang mahirap lang sa triangle offense kaya hindi ito ginagamit ng mga teams ay mahirap itong matutunan. Kung ang Chicago Bulls ay inabot ng tatlong taon para magamay ito, papaano pa kaya sa national team? Sa triangle offense importante ang familiarity. Dapat na regular na nagsasanay ang koponan at matagal na magkakasama. Bobo ka na kung hindi mo pa rin maintindihan kung bakit hindi ito nababagay sa national team at walang national team na gagamitin itong sistema puera lang ang Pilip...