Nasayang Ang Dugo Ng Ating Mga Bayani
"I die without seeing the sunrise in my country. You who are to see the dawn, welcome it, and do not forget those who fell during the night." - Jose Rizal Kakatapos ko lang manood ng pelikulang Elysium. Hindi ito mga kagaya ng The Expendables ni Sylvester Stallone na puro lang barilan, satsatan at kayabangan pero manipis naman ang storya. Ang Elysium ay may malalim na mensahe na talagang mapapaisip ka. Siyempre, dahil ikaw ay utak dilis malilito ka lang. Mas gusto mo kasi ang mga pelikula ni John Mongol at paborito mo mga walang kwentang love teams. Mahilig ka rin manood ng mga telenovela at matagal mo nang tinapon ang utak mo. Wala nang laman ang lobo na pinapaligiran ng buhok mo. Ang Elysium ay ang pangalan ng space colony sa taong 2125 kung saan ang ibang mga tao sa Earth ay lumipat na para takasan ang problema ng overpopulation at matinding polution dito. Mga mayayaman lang ang nakatira sa Elysium at ang naiwan dito ay ang mga Pinoy, Mexicano, Egoys at ilang mga lo...