Posts

Showing posts from December, 2024

Philippine Mens National Football Team - Unang Panalo Sa Mitsubishi Cup At Unang Panalo Laban Sa Matinding Contrapelo Na Thailand!

Image
Goal! December 28, 2024, ay araw na hindi natin malilimutan. Ito ang pinakabago sa mga milestones ng ating Pambansang Koponan sa Mens Football. Sa araw na ito ay tinalo natin ang Thailand. Unang panalo natin sa semis ng AFF Mitsubishi Cup (na dating Suzuki Cup) at unang panalo din natin sa Thailand.  Sa larong ito ay nag emerge din ang bagong hometown hero na si Sandro Reyes. Tubong Marinduque na natuto ng football sa Pilipinas na kasalukuyang naglalaro sa Greuther Furth sa 2 Bundesliga (2nd division ng German football). Ito ang maipagmamalaki natin na producto ng bayan natin na maaaring maging role model ng milyon-milyong kabataang Pilipino. Marami ang susunod sa yapak ng batang ito at ipagdasal natin ang kaniyang tagumpay sa international career niya.  Electric ang unang goal sa laban na ito na dumating sa 33rd minute ng first half. Sa counterattack nagmula ang isang magandang through ball ni Sandro Reyes para kay Monis na rumaragasa sa kanan. Naharangan siya ng mabilis na T...

Bakit Kailangan Matuloy Ang Impeachment Laban Kay Inday

Image
Kumalat ang balita na nagpadala ng text message si Presidente Marcos Jr sa congreso na inuutusan silang itigal ang impeachment ng Bise President Sarah Duterte. Ito ay balitang ikina-dismaya ng marami na nag invest ng kanilang oras at emosyon sa budget hearings sa Senado at Congreso. Ito din ay pagbabalewala sa mga natuklasang pagmamalabis ng Office of the Vice President sa confidential funds at paglalapastangan ng Bise Presidente sa kaniyang posisyon at tungkulin.  Hindi puede yung magbait-baitan ngayon lalo na kung mga Duterte ang mga katunggali mo. Siguradong gaganti ang mga Duterte kung ngayon pa lang ay hindi mo na tatapusin ang mga yan. Kung hahayaan niyang makabalik yan sa 2028 at may solid na voter base ang mga yan. Tandaan na sa 2022 Presidential Survey ay nangunguna si Sarah Duterte kaya lumapit ang mga Marcos para sa isang aliyansa na nagresulta sa landslide victory ni BBM bilang presidente at Sarah Duterte bilang bise presidente. Maraming mga masasakit na salita ang bini...