Posts

Showing posts from October, 2023

Gold Sa Asian Games Basketball Kaya Ba Nating Ulitin?

Image
Pilipinas Magdiwang ngayon sa tagumpay ng ating Pambansang koponan sa basketball. Ito ay pinaghirapan at ito ay karapat-dapat. Hindi natin ito inaasahan at ang ating koponan at lubos-lubusan ang pinagtagumpay sa Asian Games Basketball. Pero kaya ba nating ulitin? Isa sa mga napatunayan ng koponan natin na dinadala ni Tim Cone ay hindi kailangan ang matagalang paghahanda na laging inuulit-ulit sa media, sports analyst at mga basketball stakeholders kagaya ng SBP.  Yan ang matagal ko nang sinasabi! Basta may maayos na leadership, kahit anong tournament salihan natin makakahanap tayo ng paraan na manalo. Basta wala nang mga Chot Reyes at Yeng Guiao, makakaasa tayo ng tagumpay. Pero importante na maintindihan din natin na ang Asian Games basketball ay non bearing na para sa mga East Asians kagaya ng China, Japan at Korea. Tayo ay nagkaroon ng advantage dahil kahit hindi pa Team A natin naipada, ang mga kalaban naman natin ay mga Team B players ng kani-kanilang bansa. Ang kalahati ng at...

Leadership Philosophy Ni Chot Reyes Ay Walang Kalatoy-Latoy

Image
Last two minutes na. Sabi ko na nga ba eh. Kagaya ng maraming mga kababayan natin na nagmamando sa atin itong si Reyes ay kagaya nila na puro kayabangan lang. Ang requirement ba sa atin para maturingang leader ay maging mayabang lang? Dapat nating itaas ang standards para naman umunlad tayo.  Ayon kay Banchot, hindi daw naaayon sa Pilipino ang Euro style dahil nababagay lang daw ito para sa mga matatangkad at wala nang panahon para yan ay pag-aralan natin. "You can't out-Euro the Euros", sabi ng magaling na coach. Talagang megamind.  Diyan makikita na kung anong klaseng leader si Banchot. Ito yung tipikal na leader sa Pilipinas. Yung malakas lang ang boses at malakas ang loob na magmando at mag-utos. Yung mayabang na pag kinontra mo eh pepersonalin ka at aambahan ka na parang susuntukin ka. "Sino ka para kwestyonin ang aking God-given at divine right para magpatakbo dito? Ikaw ay susunod sa aking mga utos dahil ako ang amo niyo!" Ganyan sa atin, ang leadership a...