Bakit Walang Asenso Ang Basketball Sa Pilipinas?
Mamaya na linisin ang basura natin, basketball muna tayo. Ilang beses ko ba sasabihin na ang basketball ay hindi para sa mga Pilipino? Sa sobrang pagpupumilit natin na maging dominante sa larangan ng basketball eh nagmumukhang mga asong ulol na dapat ipadala sa Ilocos para itali sa puno at paluin ng dos por dos ng mga Ilocano para may laman ang kanilang mga kumakalam na sikmura. Hindi ba pinagmamalaki natin na magaling ang mga Pilipino sa gulangan sa basketball? Tuwing balyahan ang paguusapan ay hindi mapipigilan ang mga kwento ng Crispa - Toyota rivalry. Mga siko na lumilipad at mga manlalaro na sinasahod. Mga player na naging baldado paglipas ng alikabok ng mga gulo at suntukan sa loob ng court. Kung papakinggan mo mga storya na yan iisipin mo talaga na matitibay ang mga Pinoy. Pero base sa reactions ng mga players at team officials ng Galis sa social media, hindi pala sila matitibay. Mga pikon lang talaga na hahanap ng dahilan para i-justify ang mga kalokohan nila. Balikan nat...