Nakakasukang Ugali Ng Mga Filipino - Mata Pobre
I want to work at Rockwell.... para alipustahin ko mga pobre sa Pilipinas! |
Gusto mo maghanap ng matapobre? Punta ka sa Ayala, Rockwell, BGC, Libis at Gateway. Makikita mo mga matapobre. Huwag ka lang magugulat kapag makita mo na ang mga matapobre diyan ay ang mga nakatira sa barong-barong! Oo, kung nagbabasa ka nito malamang na may maayos ka na pamumuhay at ang mga matapobre sa mga lugar na nabanggit ko ay mga nakatira sa mabahong kapaligiran at ang mga inidoro nila ay de-buhos! Ang baho ng tae nila parang inimbak lang sa inidoro na may kakaunting tubig! Kahit ilang beses mo buhusan hindi maalis ang amoy! Nakakadiri! Paano ka magsasalsal sa ganyang klaseng banyo? Kadiri!
Ladies and Gentlemen, aking inihahandog sa inyo ang mga kalabaw na langaw.
Dismayado ka ba na malaman ang katotohanan? Akala niyo ang mga matapobre ay ang mga Kastilaloy na kagaya nila Zobel de Ayala, Aboitiz at mga Soriano ano? Paano ka aalipustahin ng mga yan kung hindi mo naman sila makikita? Ilang beses ka na nagpunta ng Ayala Land pero ni anino ng mga tarantadong ito ay hindi mo naman nakita? Dahil hindi sila nakikipag halo-bilo sa ating mga pesante. Hindi nga gumagamit ng kalsada mga yan dahil sa sobrang traffic. Helicopter ang kanilang mode of transport. Kaya wala silang pake sa kapalpakan ng mga decision makers sa gobierno. Tayo lang naman ang kawawa dahil sa katangahan nating magluklok ng mga gago.
May balitang gagastos daw ang gobierno ng P8 billion para lang gumawa ng state of the art na Senate Hall? Ang napili pang contractor ay Hilmarc's Construction Corp, yung mga gago na involved sa pagnanakaw ni Jun-Jun Binay. Ginisa sa senado ang mga gagong yan, pero ngayon parang naglaho na ang baho nila at sila pa ang nakakuha ng contrata. Sige ituloy nila pero sana gamitin nila mga cheap materials lalo na asbestos para pag gumuho yan at lahat ng mga senatong nasa loob ay madadaganan sila ng semento. Kung sakaling makaligtas sila, patay pa rin sila sa loob ng sampong taon dahil sa cancer na dulot ng exposure sa asbestos. Tuloy lang.
Wala nang iba pang mangaalipusta sa atin kung hindi mga kapwa Pinoy din natin. Mga waitress sa restaurant na kakainan mo na mamatahin ka at dadaan-daanan ka lang. At kapag magmaktol ka dahil sa nakakabastos naman talaga sila, ang mga kusinero ay hahaluan ng dura at kulangot ang sisig na inorder mo.
Hindi ba at sinabi kong bawal kayo pumasok dito mga naka tsinelas at bakya? |
Mapapansin mo din na parang may pinaguusapan ang mga sales lady doon ah. Nakapalibot sila na parang mga chismosa sa tindahan at palingon-lingon sa direksyon mo. Oo, ikaw ang pinaguusapan at pinagtatawanan nila. Pinaguusapan nila na ikaw ay mukhang probinsyano at hindi ka nababagay sa establisiamento na pinuntahan mo kahit may pang-gastos ka pa.
Tama rin ang hinala mo na ikaw ang pinaguusapan ng mga staff ng Jollibee. Mukha ka raw taga bundok. Naliligaw ka, wala ka sa divisoria. Mukha kang tukmol. Yang mukha mong besugo dapat yan nasa ilalim ng karton sa may kanto sa Recto. Doon ka mamalimos. Iba ang standard ng kagandahan dito, hindi ka bagay dito.
Sir, saan ka pupunta? Sabi ng isang sikyu sa iyo. Check natin ang bag mo, bulsa mo, gilid ng pantalon mo at kung kailangan ipasok metal detector sa tumbong mo dahil ikaw ay mukhang terorista. Alam mo bang nasa Rockwell ka na? Doon ka sa Sta Lucia pumunta sa ilalim ng escalator may mga nagbebenta ng celphone accessories doon. Walang dibidi ditu!
Kwento nga ng kaibigan kong OFW na ganyan na ganyan daw ugali ng mga Pinoy OFW pag dumadating sa NAIA kung makapag alipusta ng mga customs officer ay wagas. Akala mo may unlimited supply na ng ginto ang mga biglang yaman na Pinoy. Lakas kung makapag power trip.
Ang bagong palasyo ni Drilon. |
Kung minsan naman napapabalita ang mga upper middle class Pinoys na nangaalipusta ng mga traffic enforcers o kaya waitress. Hindi naman mai-classify kaagad na matapobre ang mga hudas na ito. Maaring mayayabang lang na natiempohan mo na pinamamalas ang kanilang class na ugali. Pero matapobre kaagad? Baka nagbibigay ng abuloy sa pulubi yan o mabait sa mahihirap. Nakupalan lang sa MMDA o nainis sa waitress. Lahat tayo may ganyang moments. Iba pa rin talaga ang mga matapobreng skwakwa na nagtatrabaho sa mga Rockwell at BGC. Ibang level yan.
May panabla naman sa mga matapobreng skwater at ito ay tarayan mo sila sa English. Kung marunong ka ng Kastila mas mainam dahil talagang aatakihin sila sa puso sa sobrang nerbyos lalo na kung binubungangaan mo sila sa Rockwell nako baka marinig ni Jaime Zobel de Ayala at kidlatan sila! Kung tagalog ang wika na gagamitin mo siguraduhin mo na magaling ka mangatwiran at talagang makapal ang mukha mo dahil talagang mapapalaban ka. Hintayin mo lang na gamitan ka ng English at diyan mo na ilabas ang mga Harvard English mo at sigurado magbabago ang kanyang asta at papawisan siya ng malagkit.
Ganyan nga ang kasabihan na kapag ang langaw ay makatungtong sa likod ng kalabaw, akala niya kalabaw na din siya. Iyan po ang isa sa mga nakakasukang ugali ng mga Pinoy.
Totoo ang mga sinabi mo, lalo na ibang mga tao OFW. kala mo humakot ng mga isang sako ng pera galing Middle East pauwi ng Pinas, pero karamihan jan paguwi ng mga yan ilang araw pa lang nga nga na yan, Hindi mo nga malaman kung nakukulangan sa sweldo pero makikita mo mga depreciate na bagay mga binibili lalo na gadgets, yosi, alak, bar, etc... lalo na kapag sale, yun iba nga dyan inugat na nga sa pagiging OFW pero parang parang kala mo parang hindi nag overseas, maintindihan mo pa kung bread winner at least may napuntahan ang pagiging OFW.
ReplyDeleteOo puro sa mga nag dedepreciate na value nila pinupundar mga naipon nila kagaya ng motor at kotse. Hindi bumili ng bahay at bunutin sarili nila sa iskwater. Ewan ko ba sa mga yan!
DeleteIsa pa palang pahabol Clocks...Hindi mo nga rin malaman kung talagang nakukulangan ba o hindi ang mga ibang OFW sa Middle East, ang hihilig kumain sa labas di bale sana kung minsan minsan lang yung iba halos araw arawin...sus ang mahal din ng presyo lalo na sa mga Filipino Restaurants gaya ng sinabi mo sa isang lumang blog ilang taon na ang nakaraan. mas malala pa hindi na nga ganun kalaki ang sinasahod may mga kabit pa kahit na may pamilya na sa Pinas..kaya lately, hindi na ako naniniwala sa katwiran ng iba na kesodang may pamilya sa Pinas kaya magastos, kailangan magpadala etc. etc. kaya hirap magbudget...nasa sa ugali na rin ng isang OFW kung paano niya disiplinahin sarili niya either nasa mahigpit na bansa pa yan o open cities.
DeleteKeep it coming. Love reading the comments.
DeletePareng Clocks, musta na dyan. Mabuti naman at naka pag post ka ng bagong article. Medyo nakakalungkot nga lang pero totoo lahat ng sinabi mo. Yung ugali ng mga pinoy lalo na pag nasa high-end na mga malls, na akala mo naman sila ang may-ari, susme. Kaya madalas mas gugustuhin ko png pumirmi na lng sa bahay at mag basa ng current events sa internet. Marami rin akong kilala na ganyan, naka pagtrabaho lang sa call center eh astang elitista na. Anyway pre, baka makagawa ka ng article patungkol sa darating na election at sa mga TRAPO na kandidato gaya nila Estrada at Revilla, pati na rin sa mga baguhan gaya nila Bato at Bong Go. Thanks in advance.
ReplyDeleteSame experience bro. Ang skwakwa bunutin mo sa iskwater at paligiran mo ng ginto ay skwakwa pa rin.
DeleteTama na ang elitismo!
DeleteTangina yang mga saleslady na yan sa mga Malls, kapag nagtanong ka kung magkano yung item kailangan bilin mo na. Kasi kung hindi, makakarinig ka ng matindi pag talikod mo. Masasabihan kang "Poorita" Or wag na wag mo ipapakita sa saleslady na tnitignan mo yung price tag.
ReplyDeleteMay naexperience ako sa Kenny Rogers. Umoorder ako ng Muffin, eh nag decide ako na choco muffin na lang instead of original. SAbi ba naman sakin ng cashier "Sir add 10 pesos po to ha, okay lang?" Sarcastic pa datingan. Putangina gusto ko murahin eh, Kaso di ko na lang ginawa dahil ayaw ko bumaba sa level ng utak nila.
Ganyan na ganyan example ng mga matapobreng mahihirap. Yung iba naman ang madalas na bukambibig "Palibhasa mayaman kayo eh, mahirap lang kami" Putangina kasi bakit di magbanat ng buto at nang makaahon sa hirap? Kasalanan ba ng ibang tao na mahirap sila?
Sakto yan. Bakit hindi napapagusapan ang bagay na ito? Ngayon ko lang narealise yan. Salamat sa inyo lalo na sa author blog.
DeletePareho tayo ng experience. Share mo pa ito para mabasa ng iba at nang matauhan sila sa mga katarantaduhan at kaiporitohan na ginagawa nila sa kapwa nila Pilipino.
DeleteYup! That is the Philippines! Sakit.info
ReplyDeleteTangina mo Clocks ganiyan ka din naman eh
ReplyDeleteAng pagiging mata pobre ko ay hinahaluan ko ng sarcasm. Kung babasahin mo maigi ang sinusulat ko makikita mo na ang posisyon ko ay pagmamalasakit sa mahihirap. Mas naaasiwa pa ako sa mga mayayaman sa atin. Pag mahihirap ang binabanatan ko, direkta kong tinitira yung ugali nila, hindi dahil sa sila ay mahirap.
DeleteGusto ko ang pangangatwiran mo.
Delete