Bakit Galit Na Galit Ang Mga Pilipino Kay Aguinaldo?

Unang Presidente Ng Unang Republica Ng Pilipinas - El Caudillo Emilio Aguinaldo

Ang talagang problema sa history natin ay Philippine educational system. Mula nang hawakan tayo ng America ang paaralan natin ay sumusunod sa sistema na set up ng America. Kaya ang history natin ganito, mga bayani sinisiraan at inaatake ng mga mang-mang dahil America ang nagturo sa atin ng history natin. Ang galing nila mang-brainwash tingnan mo mga galit kay Aguinaldo kahit sabihan mo na ng tama at totoo eh pinagtatanggol ang mali.

Idagdag mo pa na noong 1915 hanggang 1930's ay nagsimula ang paninira kay Aguinaldo at lahat ng black propaganda. Bakit? Dahil nagbigay si Aguinaldo ng intention na tatakbo sa pagkapresidente at nanganganib ang original corrupt, trapo na fair-haired boy ng America na si Manuel Quezon. Strategy nila sirain ang status ni Aguinaldo at ito mga ginawa nila Quezon at mga Americano na nasa likod niya:

Sulat ni Mabini


Nilabas sa publico ang sulat ni Mabini kung saan tinatawag niyang poor at weak leader si Aguinaldo. Sinabi din niya sa sulat na wala siyang duda na si Aguinaldo ang nagpautos na patayin si Antonio Luna at kinasusuka niya ang pagkaka-execute sa Supremo. Kabaligtaran ito sa mga sinabi ni Mabini sa personal na sulat niya sa isang member ng HK Junta, sinabi niya na si Luna ay despotic at hindi karapat-dapat na mag lead ng army. Sinabi din niya na despotic si Bonifacio. Yan ay personal letter at shempre pagnagsusulat ka ng personal na sulat sa isang malapit na kaibigan eh mas honest ka. Yung huling sulat niya kung saan sinisiraan na niya si Aguinaldo at kabaligtaran na ng unang sulat niya ang sinasabi ni, yan ay propaganda na lang niya dahil ang sulat na yan ay intended for the public. Mas importante sa lahat niyan si Mabini ay punong-puno na ng kapaitan dahil pinatalsik siya nila Paterno sa cabinete ni Aguinaldo. Sobrang sama ng loob niya. Nag-ampalaya na siya! Pero pinapaniwalaan pa rin ng mga mang-mang ay ang pangalawang sulat ni Mabini. Haaay mga mang-mang kong kababayan! Pweh!

Apolinario Mabini sa Guam

Naglabas ng memorias sila Alvarez at Ricarte


Mga personalidad noong revolution ay naglabas din ng kanya-kanyang memorias tulad nila Santiago Alvarez at Artemio Ricarte. Si Alvarez ay tiyuhin ni Oryang de Jesus. Wala nang contribution si Santiago Alvarez sa revolution pagdating ni Bonifacio sa Cavite. Kung paano dahan-dahang nabawi ni Lachambre ang Cavite eh dapat isisi kay Alvarez at Bonifacio. Hindi sila nagpapadala ng taohan para tulungan ang depensa. Hindi naman sila sinusugod sa peninsula. Sabi ni Bonifacio pirmi lang mga taohan sa Magdiwang territory kasi baka sumalakay ang mag Kastila sa side nila, wala namang dumating. Ang mga taohan ni Lachambre ay bumaba sa Batangas daming napatay doon hanggang umabot ng Cavite at isa-isang nabawi mga towns doon. Wala pa rin pinapadala si Bonifacio at Alvarez. Tapos maglalabas siya ng memorias at siya bida? Hugas kamay lang? Bwisit!

Artemio Ricarte


Ito namang si Ricarte, ok makabayan talaga ito. Si Mabini na nag take na ng oath sa America, itong si Ricarte hindi ito sumuko talaga kahit nasa Guam na siya pinapahirapan hindi nag take ng oath kaya pinatapon na lang sa Japan. Pero kagaya ng lahat ng mga bayani natin meron din siyang pagkakamali. Hinarang ni Ricarte, sa utos ni Andres Bonifacio, ang mga taohan na pinadala ng Magdalo para tulungan ang mga nagdedepensa sa Pasong Santol. Pinakulong ang mga taohan na ito na pinamumunuan ni Lazaro Macapagal (na magiging executioner ni Bonifacio) sa hacienda na ginawang headquarters ni Bonifacio sa Naic. Dahil hindi nakarating ang pinangakong ayuda or assistance, ang mga taga Pasong Santol ay na-overrun ng mga Kastila. Nasawi si Crispulo Aguinaldo, nakakatandang kapatid ni Emilio Aguinaldo. Kasama din sa mga nasawi ay isang babaeng henerala na si Marcela Marcelo na kilala sa pangalang Selang Bagsik.

Naglabas ng memorias si Julio Nakpil


Kung kailan mamamatay na? Bakit hindi niya nilabas yan noong nabubuhay pa siya para i-challenge siya sa veracity ng claims niya? Dahil dead men tell no tales. At sa kultura natin ang patay ay nirerespeto - maliban na lang kila Ferdinand Marcos at Emilio Aguinaldo. Hindi sila nirerespeto. Kung nilabas sana ni Nakpil yan noong nabubuhay siya eh baka pwede na din niya sagutin ang tanong kung bakit may pera pa rin sila para palakihin at pagandahin ang bahay nila (Nakpil House)? Eh noong rebolusyon ang daming naghirap pero bakit siya pagkatapos na pagkatapos ng gera ay may pera para ipangpaayos ng mansion nila? Hindi ba kay Nakpil iniwan ni Bonifacio yung pera ng Manila chapter ng Katipunan? Noong tumakbo sa Cavite si Bonifacio at shempre hindi na nakalabas ng buhay, eh biglang yaman ang mga Nakpil...

At ang kapatid ni Bonifacio na si Espiridonia ay tumira sa Cavite. Sabi ni Nakpil pinaghahanap sila ng mga taohan ni Aguinaldo para patayin at patahimikin? Bakit nabuhay doon si Espiridonia at doon pa nagka-asawa at pamilya?


Naglabas ng memorias si Guillermo Masangkay


Si Guillermo Masangkay ay Katipunero pero hindi naman siya involved sa labanan sa Cavite. Nag disappearing act na ng pumunta sa Cavite ang Supremo. Pero ayon sa kanya, alam daw niya kung saan matatagpuan ang mga labi ng Supremo. Kaya maraming historiador na duda sa taong ito... Guillermo who? Ano ba position niya noong revolution? Hindi naman naging heneral. Pero nakapaglabas ng memorias at star witness pa sa pagkaka-execute sa Supremo. Labi nga ba talaga ng Supremo yan? Paano niya nalaman kung saan nakalibing eh wala naman siya sa pangyayari?

Nilabas at pinarada ni Quezon ang mga labi ng Supremo


Kahit walang kasiguruhan na yun nga ang mga labi ng Supremo, pinarada pa rin ito ni Quezon para maging kasangkapan sa paninira niya sa kalaban sa politica na si Aguinaldo. Kung gusto niyo malaman ang origins ng black propaganda sa Pilipinas, nangyari ito noong 1935 Presidential Elections at ang ama nito ay walang iba kung hindi si Manuel Quezon.

Pamphlets na kinalat ni Quezon tungkol sa pagkamatay ni Luna 


Isa pa sa mga black propaganda na kinalat ni Quezon ay ang pagkakapatay ng Kawit Troops kay Luna sa labas ng headquarters ni Aguinaldo. Kinalat ni Quezon ito sa Ilocos kaya sumama loob ng mga Ilocano kay Aguinaldo. Ang hindi alam ng mga Ilocano ay hindi naman marunong mag Ilocano si Luna! Kastila ang salita nito, mas sympathetic sa mga Kastila, European ang outlook at matapobreng tunay!

Kagaya ng pagkakabanggaan nila ni General Mascardo, uminit ang ulo ni Luna nang sabihin ni Mascardo na hindi siya sanay sa salitang Kastila. Kumulo dugo ni Luna na dinala niya buong battalion niya sa Pampangga para harapin si Mascardo. LOL. Iniwan ang Bagbag ng walang depensa, kawawang Gregorio del Pilar na-decimate ang mga taohan niya dahil dito. Ayun tuloy pagdating ni del Pilar sa Pasong Tirad eh 60 na lang ang kanyang mga taohan. Pero walang naninisi kay Luna. Magaling na heneral daw. Ows?

Sino mga pumatay kay Luna? Mga Kawit troops. Ginawa silang presidential guards or albarbaderos kaya sila nasa Cabanatuan. Nakatanggap daw ng liham si Luna na may selya ng presidente. Akala ni Luna pinapapunta siya sa Cabanatuan para tumanggap ng promotion. Wala pala si Aguinaldo dahil nag checheck ng taohan sa ibang lugar. Ang naroon lang ay si Buencamino at mga Kawit Battalion. Ngayon, hindi alam ng maraming tonto as Pilipinas na bago pa mangyari ito, ay pinarusahan ni Luna ang mga pamilya at mga anak ng mga sundalo ni Aguinaldo. Alam niyo yung incidente sa tren kung saan pinagpapalo ni Luna ang mga babae at mga bata? Mga pamilya yun ng mga sundalo ni Aguinaldo. Personal ang galit nila kay Luna. Ikaw ba naman pagpapaluin ang mga anak at asawa mo, ano gagawin mo? Hindi ka gaganti? Tapos dadating doon si Luna na mukhang galit na galit pa, kaya inunahan na nila. Ganon na lang ang pagakakapaslang kay Luna karumal-dumal pero masisisi mo ba mga sundalo na gumawa non? Kung hindi ba naman si Luna "algo despota" or rather despotic eh sana buhay pa siya ngayon.

Hindi rin alam ng maraming tonto sa bayan natin na si Luna ang sinisisi at pinaghihinalaan sa pagkamatay ng anak ni Felipe Buencamino na si Joaquin Buencamino. Tinawag niyang anak ng duwag si Joaquin, nagalit si Joaquin at sinabi niya kay Luna na papatunayan niya na hindi siya anak ng duwag. Pumunta sa front lines. Namatay doon at hindi na nakita pa. Ang pinaghihinalaan at tsinitsismis ng ibang mga sundalo eh si Luna ang pumatay kay Joaquin. Galit na galit si Felipe siyempre. At yan na nagsama sa isang lugar ang mga taong may ax to grind laban kay Luna. Ang laki kaya ng atraso ni Luna sa mga taong ito. Sino sa tingin niyo ang nagpapatay kay Luna? Si Aguinaldo? O si Buencamino?

Malabong mga albarbaderos yan, wala silang access sa presidential seal na yan. Puede talaga si Buencamino dahil may access siya sa bagay na yan. Malamang din may involvement ang mga Americano sa assassination plot na yan dahil marami silang mga sulat ni Aguinaldo na na-intercept kaya kayang-kaya nilang dayain ang presidential seal na yan at mag forge ng pirma. At shempre, pagmapatay si Luna at ikalat nila ang chismis na si Aguinaldo nagpapatay eh mabilis na matatapos ang gera sa kanilang pabor. Hindi ba nahuli ng mga Americano si Aguinaldo gamit ang forged na pirma ni Heneral Lacuna?

Si Aguinaldo pa rin ba pinaghihinalaan niyo? Ang tatamad niyo namang magisip. Pweh! Bago niyo sabihin na nasa Presidential headquarters ang nanay ni Aguinaldo, oo nandoon nga siya. Kaya mas lalong lalakas ang argumento na hindi si Aguinaldo nagpautos na ipapatay si Luna. Bakit? Kung ikaw may balak ka ipapatay si Luna, ilalayo mo ang nanay mo at lahat ng mahal sa buhay mo sa lugar na yan.


Kaya lahat ng mga bagay na yan naglabasan before and during the 1935 Presidential Elections. Sa kasawiang palad ang mga bagay na yan din ang pinaniniwalaan ngayon kaya nagkaroon ng despicable Aguinaldo myth. Kawawa naman. Tingnan din ninyo ang timing ng paglalabas ng mga memorias na yan parang iisa lang ang kanilang layunin - siraan si Aguinaldo. At yan naman talaga ang nangyari, nagtagumpay sila. Pero kawawa ang kabataang Pinoy. Biruin mo, niyuyurakan na natin ang mga taong nag alay para sa bayan in place of mga taong wala naman talagang kwenta. At tingnan niyo kung gaano kapulpol ang pagtuturo sa atin ng history... puro memorization ng name, place at date. Hindi ka tinuturuan na magisip ng critical. Paano yan? Kaya pala ang daling maniwala sa sabi-sabi. Yan na lang sa Noli Me Tangere walang kwenta yan noong high school ako puro summarize lang ng chapter ang ginagawa namin. Hindi ka tatanongin ng mga importanteng bagay na ma-enganio kang gamitin ang kokote mo at magisip ng critical. Kaya marami ang hindi naintindihan ang essence ng Noli ang dami pa rin sumasamba sa mga pari. Yan, yan ang kabulukan sa atin.

Comments

  1. Hindi mo na research na nag labas din memorias si lapu lapu. Nakasaad dito na si aguinaldo ay supot, ma bulbol at maliit ang burat ngunit ang betlog naman ay singlaki ng mansanas. Si apolinario mabini naman ay hindi totoong lumpo. Si ka apo, kaya lagi sya nakaupo kasi ang kaliwang betlog nya ay namamaga at mabigat na. Ito ay sa kadahilanang mahilig sya pumunta sa mga casa de puta. Nakakuha sya ng sakit. Kaya itong si ka apo ay matagal na tayong pinag loloko.

    Madami pa nilabas na memorias at pampleta si lapu lapu. Anjan din ang memorias ni raja sulayman. Ang pinakamaganda ay ang memorias ng pitong datu. Maganda ang snulat ni datu puti tungkol kay magellan. Si magellan daw ay hindi Portuguese. Ayon kay datu puti, si Magellan ay isang Czechoslovakian.

    ReplyDelete
  2. Isang malugod na putangina mong pagbati sayo kapatid na clock. Hayup ka di ko inakalang buhay ka pa. 2013 nung huli akong sumilip dito sa blog mo at di na muling nakasilip pa dahil sa nalipat ako sa trabahong bawal o blocked ang internet. Putanginang mga kapitalistang madadamot. Anyway, napakasaya ko at naalala ko ulit na dalawin itong blog mo. Ang dami kong namiss sa mga posts mo at isa isa kong binaback read. Napakahayup mo! Napagkakamalan akong baliw ng asawa ko dahil tawa ako ng tawa.

    Magkagayon man.. Ang totoong dahilan kung bakit kita naalala ay gusto kong humiling na gawan mo ng posts ang kaputanginahanan ng team Galis sa FIBA world cup. Yung mga hijo de putang mga walang modo at pinagaralan. Nakakahiya talaga. Kung nasaan ka man. Kailangan ka namin! Lubos na gumagalang...

    Magic!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Paano mo nabasa ang nasa isip ko? Ako ngayon ay nagbalik sa blog para magsulat ng bagong artikulo at ito nabasa ko ang sulat mo na nakakataba ng puso. Hayop kang hudas ka bakit ngayon mo lang ulit ako naalala anak ng puta ka?

      Delete
  3. Hahahaha! napakaswerte ko naman at napagbigyan kaagad ang aking kahilingan.
    Maraming salamat sayo Kapatid na Clock. Ako ay nangangako na mananatili dito sa iyong blog. Dalasan mo ulit ang pagpopost mo! ipinakakalat ko na itong blog sa mga tonton na kaibigan ko.

    Magic

    ReplyDelete
  4. Bro clockworks pwede po ba pa request ng article.. Ung pinag mamalaki ng mga taga Bacoor tuwing August 1. Ung pirmahan ng kalayaan daw sa Bacoor. Na hindi pinapansin ng mga historian..

    ReplyDelete
  5. Tangina puro imbento naman itong sinulat dito, wala namang tama diyan sa mga pinagsusulat mo. Masamang tao at opportunista si Aguinaldo, proven na iyan, kahit sa diaries ni Simeon Barcelona nung nagtatago sila sa Cordillera at Sierra Madre nakasulat na pinapapatay ni Aguinaldo ang mga kasama nilang mababagal o nagkakasakit at nanununog din sila ng mga bayan na ayaw kumupkop sa kanila, at kahit sa gitna ng gera eh kumakantot pa din din Aguinaldo, sa bawat bayan na madaanan sila pag may type si Aguinaldo nirerape niya tapos ipapa gang rape pa sa mga sundalo niya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yan mga sinulat mo isang malaking kasinungalingan. Alam mo ba na kasama ni Aguinaldo ang kanyang pamilya papuntang Norte?

      At wala akong inimbento sa mga sinulat ko dito. Di katulad mo gago ka puro gawa-gawa mo lang.

      Delete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Bakit nakakasawa ang mga Pinay?

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?

Bakit Madami Mga Squatters Sa Pilipinas?