9 Reasons Why Bonifacio Sucked


1. Si Andres Bonifacio ay nakatulog sa pansitan

Habang namumuti ang mata ng ibang mga commanders at heneral ng Katipunan sa Manila at Cavite, si Andres Bonifacio ay nakatulog sa may San Juan. Matapos na mag link up si Bonifacio sa mga taohan na nanggaling ng Santolan, sila ay nagkaroon ng maikling pamamahinga at paguusap-usap ayon sa memorias ni Santiago Alvarez. 

Sabi ng mga historiador na simpatetico kay Andres Bonifacio, imposibleng nakatulog ang Supremo dahil sa 800 na tauhan na kasama niya doon at wala ni isa ang gumising sa kanya. Ang sagot ko naman, may "K" ba ang mga taohan niya para bulabugin ang mahimbing na Supremo? Maipapaliwanag ba nila kung ano nangyari sa limang oras na nagdaan? May naguusap-usap ba ng limang oras nang di namamalayan na takdang oras na pala ng pagbibigay ng hudyatan?

Alas dose ng gabi 30 ng Agosto 1899 ang usapan ay magpapalipad ng mga lobo para maging hudyat ng mga taga lalawigan na umpisahan na ang sabay-sabay na pag-atake sa Intramuros ay mahimbing na natutulog ang Supremo. Nagulantang na lang ito nang magising pagtilaok ng manok, tingnan ang kanyang orasan, alas quatro na pala ng madaling araw. Ang manok na nambulabog sa kanyang pagkakahimbing ay ginawang tinolang manok.

Source: Santiago Alvarez - The Katipunan and the Revolution.



2. Pinapadala niya mga tauhan niya sa peligro kahit walang sapat na armas


Isa sa mga malas na binigyan ng suicide mission ayon kay St Clair ay si Teodoro Plata. Siya ay pinsang buo ng asawa ni Andres Bonifacio na si Gregoria De Jesus. Nang matuklasan ng mga Kastila ang Katipunan, nagpatawag ng pulong ang Supremo upang hingin ang pag-sangayon ng kanyang mga kasamahan na umpisahan na ang pakikipaglaban. Ito ay tinanggihan ni Teodoro Plata dahil sa kakulangan ng armas. Nanaig din ang pasya ng Supremo at si Plata ay inatasan ng Supremo na hulihin, commando style si Gov Blanco at iba pang matataas na opisyales ng pamahalaan! Dahil sa kahibangan ng suicide mission na binigay sa kanya, nagpasya si Teodoro Plata na tumakas na lang. Nang malaman ng Supremo (Andres Bonifacio) na nawawala si Plata, agad niyang pinahanap ito upang "paghiwalayin ang ulo sa balikat."

Isa pang kawawang binigyan ng suicide mission ay si Heneral Vicente Fernandez. Siya ay inutusan ni Bonifacio na kunin ang Manila Electrico para patayin ang mga ilaw sa Luneta. Ang pagpapatay ng mga ilaw sa Luneta ay magsisilbing hudyat para sa mga nasa lalawigan ng Cavite. Ang Luneta ay makikita sa isang elevated position - si Emilio Aguinaldo at kanyang mga kasama ay nagantay sa isang tulay sa Cavite kung saan namuti ang kanilang mga mata at naging pulutan ng mga lamok sa kakahintay. Ang nakita lang nilang nagpapatay-sindi ay mga alitaptap sa tabi ng maliit na punong kahoy.

Ang kawawang si Heneral Fernandez ay inaasahan ng Supremo na magdadala ng maraming tropa galing Laguna. Ngunit, hindi nakarating si Fernandez dahil walang gustong sumama kung walang sapat na armas. Hindi sila naniniwala sa plano ng Supremo na kayang ipanalo ang labanan. Huwag natin sisihin ang mga taong yan. Dahil mission impossible naman talaga kung wala kang sapat na armas at siege weaponry para atakihan ang Intramuros.

Sources: 
The Light of Liberty, Jim Richardson
Dr Pio Valenzuela and the Katipunan

3. Pinasubo ng Supremo ang kawawang mga pobre at maralita


Sa pamamagitan ng pagpupunit ng cedula ang mga kawawang pobre at maralita ay naging mga inducomentados. Ang cedula ay nagsisilbing identification card at proof of residency. Kung ikaw ay sitahin ng guardia civil at wala ka maipakitang cedula, ikaw ay maaring mabihag sa kulungan. Inuto ng Supremo ang mga ignorante na punitin ang cedula nila para hindi na sila magsiuwian sa kanilang mga tahanan at manatili na lang sa battle field at makipaglaban. Kaya pagkatapos ng debacle sa San Juan del Monte kung saan nadurog ang mga Katipuneros, ang mga walang cedula na hindi makauwi ng kanilang mga tahanan ay namundok na lang at naging mga tulisan. Natural, dahil ang mga guardia civil ay kumakatok sa mga bahay-bahay at pinaghahanap ang mga rebelde na lumahok sa uprising ng gabi ng Agosto 29 1896 at umaga ng Agosto 30 1896. Pagkalipas ng ilang mga araw, kumalat ang balita na malaya na ang lalawigan ng Cavite through the efforts of Emilio Aguinaldo. Nagsipuntahan sa Cavite ang mga ito kung saan binigyan sila ng refuge at renewed vigor sa pakikipaglaban.

Source: 
Dr Pio Valenzuela and the Katipunan
The Light of Liberty, Dr Jim Richardson




4. Hindi nagpunit ng cedula ang Supremo at kanyang mga BFF's


Maraming conflicting reports kung saan naganap ang Unang Sigaw. Hindi malaman ng mga historiador kung sa Pugad Lawin, Balintawak, Pasong Tamo, Bahay Toro etc. Ang totoo niyan kung susuriin mong mabuti sa lahat ng lugar na yan naganap ang sinasabing Unang Sigaw. At ang Supremo ay nagdadala ng kopya ng cedula niya na pupunitin sa mga meeting para himukin ang mga pobre na punitin din nila ang kanilang mga cedula.

Isang patunay na hindi nagpunit ng tunay na cedula ang Supremo ay ang pagkakaroon pa rin ni Dr Pio Valenzuela ng intact na cedula. Matapos ang failed uprising at San Juan debacle, sumuko si Pio Valenzuela sa mga Kastila at pinakita niya pa ang kanyang intact at buong cedula. Kung hindi nagpunit ng cedula si Valenzuela at katabi siya ni Bonifacio sa grand pagpupunit ng cedula event, hindi ba dapat sinita yan ni Bonifacio at "pinaghiwalay ang ulo sa balikat?" The fact na hindi nagpunit ng cedula si Valenzuela, na isa sa mga mataas na opisyales ng Katipunan, ay nagpapatunay na si Bonifacio ay hindi rin nagpunit ng cedula. Sila na mga opisyales ng Katipunan ay nag collude para utuin ang mga pobreng magsasaka. 

Huwag din natin kalimutan na si Bonifacio ay part time actor na nag appear sa mga moro-moro plays bago naging Freemason. Kaya kaya niyang maging convincing na nagpupunit ng totoong cedula for the first time para sa mga walang kaalam-alam.

Source: 
Dr Pio Valenzuela and the Katipunan

5. Walang naipanalong labanan ang Supremo


Kahit isa ay walang naipanalong labanan ang Supremo dahil sa kakulangan ng armas, kahinaan na mag kumbinsi ng mga tropang sasali sa labanan, hindi aral sa field tactics, mahinang field commander and walang alam sa coordination. 

Natalo sa San Juan del Monte na nagresulta sa pagkamatay ng mga 150 katao at pagkakadakip sa 200 na mga miembro ng Katipunan kabilang na dito sa mga nahuli si Sancho Valenzuela.

Ang mga naipanalong mga labanan ni Bonifacio ay mga skirmishes lang. Ang skirmish ay isang labanan na involved mga 20 hanggang 50 na tao. Magiging 'battle' lang kung ang involved ay lalagpas ng 100 tao, may kasamang cavalry, cañon, barko at talagang labanan labo-labo. Pero kung 50 bakla lang na nagsasampalan sa palengke at naghahampasan ng tinapa, ito ay skirmish. At yan lang ang naipanalo ni Bonifacio, skirmish. Panalo sa hampasan ng tinapa.

Pero pag mga brusko na ang katapat, ang nangyayari ay kagaya ng nangyari sa San Juan del Monte - Super diyahe na pagkakalampaso. Ang famous na battle cry ng Supremo kapag pinupulbos na ay "Magkanya-kanya na tayo ng ligtas."

Source:
Lahat ng libro tungkol sa Revolucion! Walang naipanalong labanan si Bonifacio! Ikaw ang maghanap ng source na may naipanalong labanan yan! Diba wala ka mahanap? Ito basahin mo ulit ang sinigaw ng Supremo na Magkanya-kanyang ligtas kayo!


Read them and weep. Ang tanga mo ano? Hindi ka kasi nagbabasa yan tuloy. Supremo was no military leader!

6. Pinabayaan ng Supremo ang mga Katipunero


Matapos ang labanan sa San Juan del Monte kung saan nagkawatak-watak ang mga Katipunero, ang Supremo ay biglang naglaho. Hindi alam ng mga Katipuneros sa Pateros, Mandaluyong, Makati, San Juan, Santolan, Morong at Pasig na ang Supremo at ilan niyang mga kasamahan ay nagtatago lang pala sa kanyang home base sa Balara.

Ang mga Katipunero ay napilitang magtago sa kagubatan dahil hindi sila puede makauwi sa bahay nila dahil sa pinaghahanap sila ng mga guardia civil. Ang iba naman ay walang mga cedula, kalaboso ang bagsak mo pag wala kang cedula. Naging tulisan na sana ang mga kawawang Katipunero kung hindi nagwagi ang rebolusyon sa Cavite. Nang mabalitaan na malayang lalawigan na ang Cavite nagkaroon ng mass exodus ng mga Katipunerong na-displace sa Manila. Mga Katipunero na nawalan ng kabuhayan at higit sa lahat nawalan ng leadership. Dahil ang Supremo ay naglaho ng mga tatlong buwan.

Yan ang sagot ng Supremo sa mga taong naniwala sa kaniya. Hinimok na punitin ang kanilang mga cedula, pinasubo sa kapahamakan at sa oras na kailangang-kailangan siya ay biglang maglalaho na parang bula.

Source:
Isagani R Medina - Paghihimagsik nang 1896-97

Ito ang kasulatan kung saan lumabas sa pagtatago ang Supremo 3 buwan matapos ang San Juan debacle.

7. Ang Supremo sa Cavite walang inatupag kung hindi pulitika


Ang rebolusyon sa Cavite ay nagtagumpay dahil sa cooperacion ng lahat sa lalawigan na yan. Hindi lamang Katipunan ang lumahok sa pakikipaglaban at pagpapalaya ng kanilang lalawigan, lahat ng mga mamamayan ay may participacion.  Ang Magdiwang at Magdalo ay nagtutulungan, naghihiraman ng baril, nagpapadala ng ayuda pag kinakailangan at nagpapalitan ng informacion tungkol sa taktika.

Pero ang lahat ng iyan ay magbabago pagdating ng Supremo. Dahil nang dumating si Bonifacio sa Cavite ay parang pilit pa niya na pinaghahati ang Magdiwang at Magdalo. Oo may rivalry sila, pero ang rivalry na yan ay naisantabi nila nang nagtulungan silang palayain ang Cavite. Hindi totoo na pinapunta si Bonifacio para magsilbing arbiter na tutulong na magka-ayos ang dalawang factions. Magkasundo na sila eh. Nang dumating si Bonifacio, nagaway ang mga leaders ng dalawang faction na ito. Si Bonifacio pa ang nanggagatong at harap-harapan pa niyang kinakampihan ang Magdiwang dahil sa affiliation niya sa Magdiwang leaders na mga Alvarez na tiyohin niya sa kaniyang asawa. Ibang usapan naman sa mga sundalo ng Magdiwang, nirerespeto nila si Aguinaldo. Ang mga leaders lang nila na nakadikit kay Bonifacio ang nagpapadala.

Nangyari ang Tejeros Convention para ma-settle ang issue of governance ng Katipunan sa paraan ng election. Ang Tejeros Convention ay naganap sa San Franciso de Malabon at si Bonifacio ang nag preside at pinuno nila ang bahay ng mga Magdiwang. Obviously, naghakot ng mga botante si Andres Bonifacio. Pero nanalo pa rin si Emilio Aguinaldo.

Nanalo si Emilio Aguinaldo dahil alam ng mga Magdiwang na si Aguinaldo ay nasa labanan habang nagbobotohan sila doon sa Naic. Si Aguinaldo ay nakikipaglaban para protektahan ang mga teritoryo ng Cavite na hawak ng mga revolucionario, habang si Bonifacio ay inaatupag ang election. Politica muna kay Bonifacio.

Binoto din ng mga Magdiwang at mga Katipunero na nanggaling ng Manila si Aguinaldo dahil si Aguinaldo ang nagbigay sa kanila ng pagasa, refuge at nagligtas sa tiyak na kapahamakan. Displaced sila sa Manila dahil nga sa wala silang cedula, pinunit nila nang himukin sila sa Balintawak na punitin ang cedula para ipakita ang dedicacion nila sa revolucion. Pero nang bumagsak ang Manila Revolution sa San Juan del Monte eh biglang maglalaho ang Supremo. Sino ngayon ang iboboto nila? Sino ang tunay na may malasakit para sa kanila? Sino ang may kakayahan na ipanalo ang revolucion?

Wala nang iba kung hindi si Aguinaldo.

Sources:
Santiago V Alvarez - The Katipunan and the Revolution
Isagani R Medina - Paghihimagsik nang 1896-97

8. Natodas si Rizal at iba pang mga ilustrado dahil pinahamak sila ni Bonifacio


Bad trip talaga si Bonifacio nang tanggihan ni Rizal ang alok ng Katipunan na suportahan ang pinaplanong revolucion. Nilapitan din ng Katipunan si Antonio Luna at ininsulto pa sila nang tanongin sila ni Antonio Luna. "At ano naman ang gagamitin nating panglaban - ang ngipin natin?"

Gumawa ng mga pekeng kasulatan si Emilio Jacinto para paghinalaan si Rizal, Antonio Luna at iba pang mga ilustrado para makaganti sa pagtanggi sa Katipunan. Nang halughugin ng mga guardia civil ang isang pagawaan ng diyaryo at pamphlets ng Katipunan ay madali nilang nakita ang ilang documento na naglalaman ng mga pangalan ng mga ilustrado na ito. Nang mga oras na yan, si Rizal ay nasa isang barko patungong Cuba. Pinabalik si Rizal sa Manila para humarap sa hukuman. Si Antonio Luna at kanyang mga kapatid ay nakulong si Intramuros ay tinorture para paaminin kung si Rizal nga ba ang nasa likod ng Katipunan. Nainis si Luna nang sabihan siya ng isang kawal na "Hoy, gago. Umamin ka na. Nagsalita na si Rizal at ikaw daw ang founder ng Katipunan." At sumagot si Luna, "Ah ganon ha? Yang gagong Rizal na yan ang may pakana ng Katipunan. Siya ang diyos ng mga gagong yan!" At dahil diyan nabaril sa Luneta si Rizal.

Hindi sana napatay si Rizal kung hindi siya pinahamak ni Andres Bonifacio at Emilio Jacinto. At may kapal ng mukha pa sila na magplano ng rescue mission kay Rizal? Ipapahamak pa ni Bonifacio ang buhay ng ibang mga Katipunero para sa Ninja-Commando suicide mission? Buti na lang at pinigilan sila ng nakakatandang kapatid ni Rizal na si Paciano.

Isa pa sa mga napatay dahil kay Bonifacio ay si Crispulo Aguinaldo, kapatid ni Emilio Aguinaldo at si Candido Tirona. Matapos ang Tejeros Convention, sinundo ni Crispulo ang kanyang kapatid na si Emilio Aguinaldo para ibalita ang kanyang pagkakapanalo bilang Presidente ng Revolutionary Government at pabalikin sa Tejeros. Hindi pumayag si Emilio Aguinaldo na iwan ang Pasong Santol dahil baka biglang sumalakay ang España. Nag offer si Crispulo na siya na lang ang bahala sa command ng Pasong Santol at nangakong hindi maaagaw ng mga kaaway ang kanilang position. Pumayag naman si Emilio Aguinaldo at nangakong magpapadala ng reinforcements. Ngunit, hindi nakarating ang pinangakong reinforcements dahil ang mga taohan na ito ay hinarangan ni Artemio Ricarte at Andres Bonifacio. Ang mga taohan ay kinulong ni Bonifacio sa kanyang headquarters sa Naic. Dahil walang dumating na reinforcements ang mga defenders ng Pasong Santol ay sinasagasaan ng Lachambre juggernaut. Nasawi si Crispulo, Candido Tirona. Kasama ding nasawi si Marcela Marcelo, kilala sa tawag na Selang Bagsik at Henerala Sela ng Malibay (ngayon ay Pasay City na).

Sources:
The Memoirs of Pio Valenzuela

9. Rags to riches to rags


Noong dumating si Andres Bonifacio sa Cavite ay masaya siyang sinalubong ng mga Magdalo at Magdiwang. Parang hari ang trato sa kanya at nirerespeto. Kahit saan magpunta ang Supremo laging handaan, maraming pagkain na nakahain. Fiesta especial, drinks all around! Ang Supremo at kanyang mga kasama ay napapaligiran ng mga opisyales ng Magdiwang at napapalibutan ng sumobra sa isang libong sundalo. Guardiado ang Supremo kahit langaw hindi makakadapo. Ang kanyang headquarters ay friar estate sa Naic at sa mga tabing bahay nakatira ang mga matataas na opisyales ng Magdiwang, mga heneral. Pero sa loob lamang ng tatlong buwan ang lahat ng ito ay magbabago.

Napalayas ang Supremo at kanyang mga kasamahan sa magandang bahay na ginawa nilang headquarters nang mahuli siyang nagpo-plot ng coup d'etat. Ito ang tinatawag na Naic Military Agreement. Dito din sa headquarters ni Bonifacio sa Naic binihag ang mga kawal na susuporta sana sa mga taga depensa sa Pasong Santol. Nagmamadaling tumakas si Andres Bonifacio, mga kapatid niyang si Procopio at Ciriaco at ilang mga sundalo galing Balara. Sa pagmamadali pa ni Andres Bonifacio ay muntik na siyang sumubasob pababa ng hagdanan una nguso, buti na lang ay nahawakan siya ni Artemio Ricarte.

Napunta sa isang bahay kubo sa Limbon ang Supremo at kanyang mga kasama. Dito sila maninirahan habang naghahanap ng guide na magtuturo sa kanila ng daan palabas ng Cavite. Ang Limbon ay isolated na lugar sa Magdiwang territory. Wala na ang mga heneral na nakapalibot sa kanya at ang mga kawal niya ay nabawasan na din. Sa Limbon walang makain ang Supremo kaya ang mga taohan niya nagnanakaw ng kalabaw sa Indang. Hindi na nagbibigay ng makakain ang dating nagbibigay ng suporta sa Supremo. Nagbanta ang Supremo na susunugin niya ang simbahan ng Indang kung hindi sila magbibigay ng makakain pero wala na rin talagang maibibigay sa kanya dahil may famine na sa Indang (kahit sa Batangas) dahil sa epekta ng gera. Nagreklamo si Severino delas Alas kay Emilio Aguinaldo at isa ito sa dahilan kung bakit pinahuli si Andres Bonifacio.

Sobrang desperado na si Andres Bonifacio na ninakaw niya ang pondo ng revolucion at balak na dalhin ang mga pera sa Batangas para doon magtayo ng sarili niyang gobierno. Confirmado na may nawawalang mga pera sa treasury ng Magdiwang. May mga tsismis din na kumakalat na si Andres Bonifacio ay secret agent ng mga fraile dahil ang kanyang kapatid na kabit ng isang fraile at siya ay pakawala para sirain ang revolucion. Hindi maiiwasan ang mga tsismis na kumalat dahil sa maraming galit kay Bonifacio. Ang mga tsismis ay nagoriginate sa mga taga Manila na nag migrate sa Cavite pagkatapos ng San Juan debacle. Ayon sa memorias ni Manuel Sityar, inutusan ni Aguinaldo ang mga taohan ni Tomas Mascardo na hulihin si Andres Bonifacio dahil baka ipresenta niya ang mga pondo kay Gen Lachambre.

Naka-enquentro ng mga taohan ni Andres Bonifacio ang pinagsamang puersa nila Lazaro Macapagal, Ignacio Paua at Agapito Bonzon. Napatay ang kapatid nilang si Ciriaco, nabaril sa balikat si Procopio. Nabaril din si Andres Bonifacio at nasaksak ni Ignacio Paua sa leeg. Dinala si Andres at Procopio sa Naic para humarap sa hukuman. Nahatulan ng kamatayan ng Consejo de Guerra.

Litrato ng mga Katipunero na nahuli matapos ang labanan sa San Juan del Monte.
Ang pinakamatangkad na lalaki na nakaputi ay si Sancho Valenzuela.


Comments

  1. With all your respect sir. Paano nyo nasabi na si BONIFACIIO SUCKS? Bakit ano ba nagawa mo sa bayang Pilipinas?? At least si Bonifacio sinubukan nyang lumaban para sa bayan.Hindi lahat ng tao perpekto .Siguro nga sa mga sinabi mo may tama don pero di naman po tama na sabihin mong "Bonifacio Sucks"wla ako masayado alam sa kanya pero ang alam ko lumaban siya sa hangaring mapalaya ang Pilipinas mula sa 300years na pananakop ng mga Espanyol noon. D mo ba na aappreciate yon sir?? Kunting repeto naman po . Yun lng.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Konting basa-basa lang din. Kung ayaw mong basahin yung articulo na ito, basahin mo historia ng bansa natin. Tapos balik ka dito mag-usap tayo.

      Delete
    2. Alin diyan sa articulo ang sinasabi mong maaring tama? Naniniwala ka na Bonifacio framed up Rizal and Luna? Hindi ka naniniwala? O naniniwala? Kung naniniwala ka, hindi ba yan sucky?

      What about yung iniwan ni Bonifacio mga Katipuneros pagkatapos ng labanan sa San Juan? Sucky or not?

      Sana sumagot ka.

      Delete
  2. Nakatulugan ni ka andres ang pagjajakol. Bago sya sumabak sa gyera eh nagparaos muna sya. Naisip nya ito kasi kung sakali mamatay sya atleast nakapag paraos sya. Nung nilabasan na si andres(pinunas nya lang sa damit nya ang malapot na tamod nya ayon sa isang katipunero) naisipan nya matulog at nang magising eh umaga na at hindi nangyarI ang binabalak na pag sugod

    ReplyDelete
    Replies
    1. Puta ang ina mo, emmanuel loya. Kasing baho ng puwet mo ang puke ng nanau mo

      Delete
  3. Nakatulugan ni ka andres ang pagjajakol. Bago sya sumabak sa gyera eh nagparaos muna sya. Naisip nya ito kasi kung sakali mamatay sya atleast nakapag paraos sya. Nung nilabasan na si andres(pinunas nya lang sa damit nya ang malapot na tamod nya ayon sa isang katipunero) naisipan nya matulog at nang magising eh umaga na at hindi nangyarI ang binabalak na pag sugod

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi niya nakatulugan ang pagjajakol. Alisto siya sa hobby na yan. In fact, knock out siya sa pagsasalsal nang gabing yaon kaya nga namin may tamod pa ang pantalon niya nang makatulog siya.

      Delete
  4. Mukha yatang tutuo ang sinasabing nakatulog si Bonifacio bago maglabanan sa San Juan. Eh, bakit, di ba buo ang loob niyang haharap sa laban, bakit nanam niya inupakan ng tulog?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dala na yan ng pagod. Galing pa Mandaluyong at may naka enquentro pa along the way. Tao lang din ang Supremo.

      Delete
  5. Sana magkaron din ng kwento tungkol kay lapu-lapu.. keep up the goodwork clocks!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Abangan mo ilalabas ko katotohanan tungkol kaynLapu Lapu. Hint: hindi siya Pinoy!

      Delete
    2. Ayon sa mga nakakatanda, si lapu lapu ay isang Austrian. sya ang ninuno ni adolf hitler.

      Delete
    3. bwahahaha.

      Si Lapu-Lapu ay Bornean. May chismis din na isa siyang pirata. Pero sa susunod na articulo ipapasabog ko yan.

      Delete
    4. Anong batis naman ang pinagkuhanan mo ng mga impormasyon na iyan? Bulsa ba ni Doraemon?

      Delete
    5. Sa bulsa ng nanay mo

      Delete
    6. Emmanuel Loya yan ay galing sa salaysay ni Genaro delos Reyes. Siya ay isa sa mga commanders ni Bonifacio sa San Juan.

      May iba pang batis na pwede mo ipagtugma. Kagaya ng kwento ni Pio del Pilar na nasa Culi-Culi (ngayon ay Makati Bel-Air na) noong mga oras na natutulog ang Supremo. Si Pio del Pilar ay binigyan ng instructions na mag intay sa mga darating na taohan na magmumula sa Morong. Hindi na nakarating dahil kasama pala ng Supremo sa San Juan. Kaya si del Pilar hindi man lang binigyan ng update, ay nag intay at pabalik-balik sa San Juan para makakuha ng instructions sa Supremo. Pinabalik siya ng Supremo at inutusan mag link up kay Gen Fernandez, eh si Fernandez ay hindi nakarating sa Manila! Nalita ngayon sila del Pilar kaya pagkatapos ng San Juan debacle, ay nagtago sila na parang mga tulisan sa kagubatan. 2 days after biglang nabalitaan nila na malaya na ang Cavite kaya nag alsa balutan sila. Naging successful na heneral si Pio del Pilar sa Cavite.

      Delete
  6. Isa ito sa mga cheap na propaganda o chismis na gawa ng mga elitista gaya ni Aguinaldo at Pio del Pilar na palabasin na si Bonifacio ay isang pabaya o inept na lider. Ginamit din ang istilo na to kay Adolf Hitler na kung nakinig lang daw sana sya sa kanyang mga heneral ay di sana nila sinapit ang pagkatalo. Kung isa ka sa mga nagtatag ng isang organisasyon o nagplano sa isang labanan hindi logical na sabihin na isa kang pabaya sa kadahilanang naglaan ka ng oras, talento at energiya, logical na sabihin na gagawin mo ang lahat maging matagumpay lang ang iyong oraganisayon o isang pinaplanong aktibidad dahil walang taong may matinong pag-iisip ang magpapagod at sa huli sya rin sisira. Sabi ng mga pro-Bonifacio na historians si Boni daw nag-isip ng estratihiya ng himagsikan na base sa ilihan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sino nagsabi naman sa iyo niyan si Xiao Chua?

      Ano pinagkaibahan ng ilihan strategy sa trench warfare? Si Bonifacio ang strategy niya ay ilihan, si Aguinaldo trench warfare. Sino mas effective sa dalawa?

      Ang ilihan strategy ay puedeng wag pansinin dahil ito ay hindi offensive. Mahirapan kang makamit ang layunin mo dahil defensive ka lang, hindi ka kailangan sugurin at hindi ka 'threat.' Kagaya ng mga NPA, hindi naman sila threat unless aatakihin nila mga outposts. Kagaya ng Dagohoy Revolt na umabot ng ilang dekada, kasi ilihan strategy ginamit nila. Hindi sila threat. Nabuwag na lang at natapos ang revolt na yan nang mag pacia ang gobyerno na sugurin sila, hindi sila tumagal.

      Ngayon ang trench warfare ni Aguinaldo ang nagpalaya sa Cavite. Dahil ang trenseras ay threat at offensive in nature. Dahil may mga trenseras, kailangan sugurin. Kaya si Bonifacio hindi pinansin ng mga Kastila habang nagtatago siya sa bundok. Naka-concentrate sa Cavite ang buong puersa ng España, dahil nandoon ang threat, nandoon ang mga trenseras.

      Mag aral ka muna ng military tactics at history tapos sabunutan mo si Xiao Chua na nagtuturo sa iyo ng baluktot at kengkoy history. Nakakahiya siya.

      At matagal nang may ilihan. Ginamit na yan ni Francisco Dagohoy sa Bohol. Ang ilihan ay paggamit ng natural rock formations kagaya ng mga kweba, bundok, puno etc. Hindi si Bonifacio nagpauso niyan.

      Si Aguinaldo nga ba ang nagpakalat ng storya na si Bonifacio ay nakatulog? Tandaan mo na ang storya ay nanggaling mismo kay Santiago Alvarez. Si Santiago Alvarez ay tiyohin ni Oryang, asawa ni Bonifacio. Bakit niya sisiraan si Bonifacio?

      Kung hindi ka naniniwala na may usapang magbigay ng hudyat, paano sila mag coordinate? Paano magkakaroon ng sabay-sabay na pag-atake? Bakit hindi umatake si Bonifacio at kanyang mga kasamahan sa takdang oras?

      Delete
    2. Well sa akin totoo ito. Walang naipanalong gera si Andres kahit kelan, also totoo si Andres ang dahilan kung bakit namatay si Rizal. Sinigaw nila ang pangalan ni Rizal sa Balintawak kaya pinabalik si Rizal noong papunta sana sya sa Cuba para mag silbi sa Spanish Government pabalik ng Pilipinas.

      In fact nagalit si Bonifacio noong hindi sila sinuportahan ni Rizal ang KKK noong pinapunta si Valenzuela sa Dapitan. Kahit walang suporta ni Rizal inanounce pa din ni Andres na suportado sila ni Rizal.

      Also nagpalabas ng letter si Rizal na hindi sya involve sa KKK.

      Another fact na wala dito sir, nag holdap si Andres at pumatay sila ng mga Chinese sa Binondo to fund the revolution.

      Delete
    3. Jake! Mabuhay ka! Iilan lang tayong mga nakakaindi ng kasaysayan natin! Sana dumami pa ang mga tulad mo!

      Delete
  7. Pwede po bang makahingi mg source ng articulong ito. Salamat po.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi

      Inedit ko na ang articula at dinagdagan ko ng mga sources at screen shots ng mga pinaghugutan ko.

      Salamat!

      Delete
    2. Ika sampu.. naging bandido siya sa indang cavite

      Delete
    3. Tumpak! Nagnakaw yan ng kalabaw at sinasaktan mga tao sa Indang. Ang Indang noon at sa Cavite ay nagkagutom mga tao dahil sa labanan.

      Delete
  8. ANG NAGSULAT NA ITO AY NASA PUWETAN NYA ANG UTAK NYA! KAPAG NAMATAY KA, SANA IPAKITA SAYO SA IMPIERNO ANG MGA TUNAY NA NANGYARI.

    TAMA LANG NASA PICTURE MO DI-SUNGAY KAYA LUMALABAS DIN SA SULAT MO AY PANG DEMONYO - MEANING DECEIVER, SPREADER OF FAKE NEWS. BALIK PO KAYO NG KINDER. WAHAHA

    ReplyDelete
  9. BALIK PO KAYO NG KINDER. KAYO PO ANG TUNAY NA NAKATULOG HABANG TINUTURO NG GURO NYO ANG MGA TUNAY NA NANGYARI SA KASAYSAYAN NG BANSA. KUNG NASA PANAHON PO KAYO NI ANDRES BONIFACIO 100% ISA PO KAYO SA NAKASULAT SA HISTORY NG BANSA NGAYON BILANG ISANG MAGITING TRAYDOR.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Bakit nakakasawa ang mga Pinay?

Bakit Madami Mga Squatters Sa Pilipinas?

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?