Biktima Ng Kansas City Shuffle Ang Mga Aquino At Mga Dilawan
Manood ka na lang ng Frozen, Ineng! |
Hindi matitigil sa buhay ng mga Pilipino ang ma-Kansas City Shuffle at mautakan kung ang pamamarisan nila ay isang tamad at batugan. Para sa mga ugok diyan ang Kansas City Shuffle ayon sa wikipedia - "Kansas City Shuffle" is an advanced form of confidence game employing misdirection, subterfuge, and playing on the "mark's" arrogance and/or self-loathing.
Ang mga dilawan ay sinabihan na ng mga Marcos na pagkatapos ng decision ng SC ay maguumpisa na sila ng pasyam. November 10 ang decision ng SC na payagan ilibing si Marcos sa LNMB. Bilangin mo mga araw... Nov 18 ay ika-9 na araw. Kung hindi sila natutulog sa pansitan dapat hinarang na nila. Pero wala eh. Na-Kansas City Shuffle talaga ang mga dilawan. Walang match sa utak ni Digong at Bongbong Marcos. Sila ang dapat na pamarisan ninyo dahil sila ay mga taong hindi niyo mabasa at hindi niyo mahuhulaan ang mga kilos at galaw.
Para mag qualify na Kansas City Shuffle may tatlong criteria:
- Dapat ang "mark" o taong paglalaruan at uutakan ay aware na meron kang binabalak.
- Dapat ang "mark" mo isipin niya na alam niya kung paano ka utakan sa iyong binabalak.
- Dapat mali ang akala ng "mark" mo, gagamit ka ng misdirection. Ito ay mahirap i-execute at kailangan ito ng mahabang pasensya, pagpaplano at timing.
Tingnan natin ang unang criteria. Alam ng mga dilawan na gustong ipalibing si Marcos sa LNMB. Balikan natin noong pangulo pa si Tabako. Nasa Hawaii ang mga labi ng dating pangulong Marcos at nag request ang mga Marcos na ibalik ang mga labi sa Pilipinas. Pumayag si Ramos basta huwag ililibing sa Libingan ng mga Bayani. Sabi ni Imelda, ang asawa ng dating Pangulo na nais nila ipalibing si Marcos sa Ilocos katabi ng kanyang ina na ito daw ang kahilingin ng yumaong strongman. 30 taon na ang lumipas ay hindi pa rin naililibing ang mga labi ni Apo Lakay at sa halip ay nilagay ito sa refrigerated mausoleum sa Ilocos. Sabi nga noon ni David Letterman, "What the hell is he doing in there? Playing ice hockey?"
Nahalal si Duterte at sa kampanya pa lang niya ay sinabi na niya na ipapalibing niya si Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Kahit sinabi ito ni Duterte, nanalo pa rin siya. Ibig sabihin niyan ay hindi na galit ang mga Pilipino kay Marcos. Mulat na ang mga tao. Alam na nila kung sino ang mga may kasalanan sa mga nangyari sa Pilipinas. Naiintindihan din ng karamihan kung bakit kailangan mag Martial Law. At obvious naman kung bakit may mga nabiktima noong Martial Law - dahil sa daming mga pasaway na hanggang ngayon ay sumisira at nagdedestabila sa bayan. Alam din ng karamihan na ang mga taong dapat sisihin ay si Ramos at Enrile. Bakit ngayon haharang ang taong bayan na ilibing ang pangulo doon?
Kilos ngayon ang mga leftist groups kagaya ng Akbayan, Bayan Muna, Gabriela etc. Akala nila ay hindi sila maiisahan basta magingay at mag protesta sila. Pasok na pasok sa pangalawang criteria. Kaakibat pa nila ang media na matagal nang kakutsaba ng mga elitista. Siyempre sino ba may ari ng media? Hindi ba ang mga elitista na nagpakabusog nang mawala si Apo Lakay? Akala ng mga Dilawan mapipigilan nila ang decision ng SC na ilibing si Marcos sa LNMB sa pamamagitan ng media. 24 oras panay ang balita ng media tungkol sa karahasan ng Martial Law. Kinokondisyon nila utak ng mga mamayan para suportahan ang mga Dilawan sa pag print at broadcast ng mga one side na balita at informacion sa telebisyon at mga diyaryo. Akala nila ay sapat na yan. Pero hindi pa rin nila naiintindihan na level na at patas na ang labanan ngayon dahil sa internet. Libre na ang informacion ngayon. Tuwing naglalabas kayo ng balita na mali-mali ay may pangontra na memes at articles na sumosoplak sa mga panloloko niyo.
Problema sa mga ito daling mauto inutusan lang bumili ng suka nagrally na. |
Wala po pasok ngayon basa ang blackboard - Noytards |
Para sa mga hindi nagbabasa ng biblia, ipapaliwanag ko lang ng konti kung ano ang ibig sabihin ng "writings on the wall." Ito ay nagmula sa Biblia sa Daniel 5:1-31 kung saan may literal na kamay na lumitaw at nagsulat sa pader. Nakita ito ni Belshazzar pero hindi niya naintindihan kung ano ang sinulat ng kamay sa kanyang pader. Sa mata ng ibang tao, obvious kung ano ang ibig sabihin nito puera lang kay Belshazzar na busy sa kaniyang ginagawang mga kamunduhan. Sa madaling salita, ito ay omen o warning. Sa matalinong tao, mabibigyan siya ng panahon para kumilos at paghandaan ang pagdating ng omen. Pero sa mga bobong tamad na busy sa kamunduhan lagi silang napapahamak. At mapapailing ka na lang and will simply remark, "Hindi niya nakita ang writings on the wall."
Si sass sasot bading ito proof oh!
ReplyDeletehttps://www.facebook.com/groups/bsquino/permalink/1807417879472009/