Isang Pagsaludo Kay Val Sotto
Si Val Sotto ang pinakapogi. |
Mahusay din sa pag arte. Tuwing pinapanood ko ang Age Doesn't Matter ay inaabangan ko ang mga makaagaw eksenang si Val Sotto. May eksena na nasa recording studio si Dina Bonnevie at sinamahan siya doon ni Vic. Nakatulog si Vic at napanaginipan niya na sila ni Dina Bonnevie ang kumakanta ng "Bakit Ba Ganyan." Tapos ginigising siya ni Val Sotto, na record producer, at hinagisan siya ng ashtray na puro upos ng yosi. Nakakatawa talaga kasi simple at natural ang pag arte niya. Panoorin din ang Buhay Missis, kahit maikli lang ang eksena niya siguradong magugustuhan niyo.
Sa TODAS (1977-1989) maraming nakakatawang sketches doon si Val Sotto. Hindi ko malilimutan yung sketch na kunwari pintor siya. Nakasuot pa siya ng beret at apron kaya mukha talagang pintor at intelektwal. Nasa tabing kalye siya at namataan niya isang cheap pinay. Nainlove siya. Buti na lang dala niya ang kanyang paint brush at papel at gumawa siya ng obra. Ang babae naman ay hindi mapakali at naiinis dahil hindi siya makaupo sa upuan na madumi. Naglakas loob na ipakita ang obra sa babae na agad namang tinanggap at nagpasalamat kasi kanina pa siya naghahanap ng pamunas. Nilukot ang "painting" at pinangpunas sa upuan at saka naupo. Isang pagsaludo kay Val Sotto! At kudos din sa mga writer ng TODAS. Magaling ang kanyang timing, kaya swabeng-swabe ang kanyang mga jokes. Napaka-underrated.
Shoot That Ball - Isa siya sa mga import ng karibal na eskwela nila TVJ. Panalo ang pelikulang ito. Lahat ng jokes na maiisip mo sa basketball nandito. Humugot ng import ang eskwela na pagaari ni Jaime Fabregas para palakasin ang kanyang koponan. Ang mga import ay si Michael Hackett, Jimmy Santos at Val Sotto. Matatawa ka tuwing ginugulangan niya ang mga kalaban nila. Kung nandoon lang kayo sa sinehan noong pinapalabas ito, yung tawanan ng mga tao parang magigiba na ang sinehan at madadaganan kami ng semento.
May soap opera din siya noon - Agila na tumagal sa telebisyon mula 1987 hanggang 1992. Pagkatapos ng Eat Bulaga, Agila ang kasunod. Pero ito siguro ang tipo ng soap opera noon na tinutulugan lang ng mga kasambahay. Eat Bulaga = Tanghalian. Agila = Siesta. Dahil sa show na ito maraming mga kasambahay ang nabundat. Mga missis nanaba at bumulusok ang pagkalosyang sa kakasiesta. Nakatihaya sa sofa nakabukas ang TV pinapanood ang Agila at pagdating sa kalagitnaan ay makakatulog na. Wala namang nakakaalala nito, ang gulo-gulo pa ng istorya. Mismong si Agila na ginanapan siyempre ni Val Sotto ay bihira lang magpakita sa sarili niyang show, na nakapangalan pa sa kanya! At pagkagising ng mga tarantado sa mahimbing na tulog, tapos na ang Agila at sila ay didiretso na sa kubeta para ibulwak ang putanginang buris na hindi natunaw. Putanginang mga salaula talaga! Kaya request lang sana lumabas ang buong series na ito sa DVD bibilhin ko at pagaaralan ko. Hanggang ngayon kasi hindi ko alam kung kontrabida ba si Agila doon o hindi.
Pero bakit ganon? Hindi siya gaanong sumikat kagaya ng kanyang mga kapatid? May trabaho lang siya sa pelikula kapag may trabaho din ang TVJ. Nakakahinayang kasi may talento talaga siya. Dinedeklara ko ngayon ang National Val Sotto Day. Lahat tayong mga tunay na lalake ay magpapakapal ng bigote! Ibalik ang bigote! At sumaludo kay Val Sotto, magaling na mang-aawit at musikero, artista, komedyante at higit sa lahat isang tunay na lalake!
Haha talo Pinas sa Crotia FIBA
ReplyDeleteLol. Alisin mo import nila wala sila doon.
Delete