Excuse me, sir? Pwede ba tayong magsuntukan na?

May maganda silang kinabukasan.
May kakilala nga ako nambogbog siya sa lugawan. Sinulot syota niya kaya may karapatan siyang mangbugbog. Kinausap niya muna yung gago at kinumbinse na OK lang sa kanya na inagaw chicks niya, wala sa kanya yun may rebound naman siya kaagad matinik siya sa chicks. Niyaya niya sa lugawan kasi tropa na sila, tamang-tama gutom yung putanginang hudas na nanunulot ng chicks. Nakadalawang order siya ng lugaw na may laman, tatlong puto, dalawang isaw, isang nilagang itlog at may extra na stick ng BBQ. Tigas ng tiyan niya sa kabusugan parang puputok na, may lugaw pa na lumalabas sa kuko niya. At doon siya ginulpe! Hinataw muna sa ulo ng tray nagkaduling-duling ang puki ng ina tapos binato ng pangtaktak ng paminta, sumabog pa sa ulo niya at kumalat ang maitim na usok ng paminta. Nagtatakbuhan ang mga babae palabas sa lugawan at sumisigaw ng AIIIIIEEEEEEE! Pinaulanan niya ng mga kamao! Habang binubuntal niya si Hudas, ayon sa mga nakasaksi narinig nilang sinasabi ito - "Putangina kang putris ka, kabibigay ko lang ng singsing sa syota ko, binuhos ko lahat ng naipon ko tapos bigla kang dadating at aagawin sa akin ang puki ng inang pokpok?! Wala kang trabaho, magnanakaw ka pa ng manok! Hindi ko matatanggap ito! Putangina mo saluhin mo itong mga kamao ko na punong-puno ng galit!" Hindi na kinaya ni Hudas at sinuka niya lahat ng lugaw, isaw, puto at yung nilagang itlog inutot na may kasamang tae! Ngayon, ang kaibigan ko isa nang successful na business man na. Nakapag move on siya sa mapait na karanasan sa cheap pokpok, nagulpe niya ang taong nangagaw at sumira sa mga pangarap niya. Tapos na ang kabanata, bagong buhay. Mayaman na siya ngayon at isang tapat na asawa at mabuting ama! Sa tingin niyo, kung hindi niya nailabas ang lahat ng mga sama ng loob niya nasaan kaya siya ngayon? Baka nagnakaw pa siya para lang mabawi ang pera na pinangbili niya ng napakamahal na singsing. Nasira buhay, naging adik, sisinto-sinto na ngayon at laughing stock sa bayan nila. Buti na lang at ginulpe niya ang hudas at naiwasto ang mali!

Sipa. Ang pambansang laro ng Pilipinas.
Sa eskwela isa sa mga kinakatakutan ng mga magulang ay ang mga siga or bullies. Kung ang anak mo ay lampayatot at may kaliitan, kakabahan ka sa mga siga-siga na yan. Ang mag siga siyempre mga kaklase nila na mas malaki sa kanila o kaya mga mas matatandang estudyante. Tumitira ang mga bullies tuwing lunch time. Minsan nangaagaw ng pagkain o kaya mangbabad trip lang. May nangbadtrip sa akin noon dahil lang sa sipa. Grade 4 ako at kalaro grade 5 - siya ang may-ari ng sipa. Para sa mga ugok dito na puro na lang ipad at playstation ang inaatupag, ang sipa ay sikat na laro sa playground tuwing summer. Ang sipa ay gawa sa tingga at may nakakabit na straw para maibalanse ito. Pwedeng laruin ng dalawa hanggang sa sampung players. Ang taya ay ihahagis ang sipa sa player at sisipain mo ito gamit ang inside ng paa mo. Mananatili kang taya hanggat hindi mo nasasagot ang sipa, pwede mo rin sagutin ang sipa at magsagutan kayo hanggat hindi na masagot! Pweh! Depende sa rules, may limahan, sampuan at para sa mga advanced bentehan - ito ang required na number ng sipa bago mo ito patulpitin, or sagutin ng taya. Pagdating sa panghuling bilang ng sipa kailangan ipatulpit mo ang sipa. Ang ibig sabihin ng patulpitin, sisipain mo ito ng malayo para hindi mahabol ng taya dahil kung masagot niya yung sipa mo, ikaw na ang taya. Eh pinatulpit ko at napunta sa bubong. Ngayon gusto niya bayaran ko siya ng P1.50 na halaga ng sipa na nawala. 1988 pa ito kaya ang P1.50 ay malaking halaga na noon. Siyempre hindi ko binayaran kasi hindi ko naman kasalanan. Kaya hinamon niya ako ng suntukan pagkatapos ng eskwela. Tangina ang laki niya sa akin kaya nangangatog ako na tinanggap ang hamon niya. Tuwang-tuwa mga kaklase ko kasi makakanood sila ng suntukan habang ako naman ay parang namamatay tuwing lumalapit ang oras ng uwian.

O ayan gumawa pa ako ng diagram.
At uwian na, tatakas sana ako pero paglabas ko ng classroom ko nakaabang na ang mga Grade 5, nasa likod ko naman mga kaklase ko. Nagiisip ako ng sasabihin para umatras sa suntukan pero nakakahiya. Bakla lang ang mga umuurong. Kaya diretso kami sa toilet para sa main event. Parang sabungan ang toilet may Kristo pa sa loob, isa sa mga Grade 5 at may introduction pang nalalaman. Tawanan lang ang mga ulol pero kami ng kalaban ko seryoso. Pag kumpas ng kamay ng Kristo bigla niya akong sinuntok nang pagkalakas-lakas na parang nayanig ang utak ko. Biglang nagkick in ang tapang ko, nawala ang kaduwagan. Sabi ko, "Putangina ka ha!", at nagpaulan ako ng sunod-sunod na suntok. Nagdilim lang ang paningin ko at hindi ko talaga nakita kung ano ang sinusuntok ko. Pero pagkatapos ng combo ko, yung kaaway ko nakatalikod na at hinahawakan ang nguso niya. Hinila na ako palabas ng mga kaklase ko, tuwang-tuwa sila dahil ako ang nagwagi! At hindi na ako kinulit ng Grade 5 na bayaran ang sipa. Nakita ko siya kinabukasan at kamukha niya si Hitler dahil may pasa sa kanal ng labi niya. Ako naman may konting bukol, pero panalo! Sikat ako sa mga kaklase ko, ako ang kampeon nila, ako ang pangbato nila. Tumaas ang pagtingin nila sa akin at natuto akong respetuhin ang aking sarili.

Eh kung naduwag ako at binayaran ko ang P1.50 na sinisingil niya ano kaya nangyari sa akin ngayon? Baka naging duwag na tao lang ako na tinutulak-tulak lang ng mga tambay sa kanto. Lagi akong hinaharangan para bilhan sila ng pang-toma nila, binabatuk-batukan at pinagtatawanan! Siguro lagi akong hinuhuthutan ng GRO. Inuuto ako at lagi akong naglalabas ng pera para bitinin lang. At babalik ako tuwing sweldo para bitinin na naman ako at mapunta lang sa kanya lahat ng pinaghirapan ko, habang ang tricycle driver na syota niya ay maghihintay lang labas at iniisip sa sarili, "Sana malaki makuha niya kay bobong tanga hahaha!" May consequences ang kaduwagan. Babalikan ka niyan sa iyong pagtanda. Ang kaduwagang pagkilos mo ngayon ang magiging sanhi ng iyong katontohan bukas!

Laging turo ng mga magulang na kapag may nanunulak sa iyo, tulakin mo rin. Kung sinuntok ka, suntukin mo rin! Sino sa atin ang hindi tinuruan ng mga tatay natin kung paano sumuntok? Ang mga hindi lang naturuan ay ang mga bastardo siempre. Yan ang natutunan ng tatay natin sa tatay nila. Simple lang naman ang rules sa school yard. Kung magpapa-under ka, lalo kang u-under-in. Pero kung lalaban ka, sa susunod magdadalawang isip na yan. Matitigil ang paninindak sa iyo, at madali mo makakamit ang mga pinapangarap mo. Dahil ikaw pare ko, ay hindi bading!


Comments

  1. Agree ako sayo Clockworks

    ReplyDelete
  2. Dati, lagi akong binubully ng mga putang inang basurero, inaasar, at hinuhuthutan ng pera. Pero nang dumating ang time na napuno n ako, putang ina! Nakatikim sila ng mga daluyong na suntok mula sa akin, bilang paghihiganti. Yang mga bully na kasi, di mo makukuha sa matinong usapan, dapat talaga tuturuan mo ng leksyon ang mga gagong yan.

    -Whammy

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama ka dapat talaga turuan ng leksyon sila dahil mga abusado at mapagsamantala bata palang palang patapon na ang buhay nila whahaha

      Delete
    2. Tama ginawa mo. huwag kang uurong. kahit matalo ka, hindi na mauulit ang pangaapi dahil alam nilang lalaban ka.

      Delete
  3. nagjajakol ako ngayon.

    ReplyDelete
    Replies
    1. pagsalsalan mo ang kasambahay mo pre masarap yan. baka tulungan ka pa.

      Delete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Bakit nakakasawa ang mga Pinay?

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?

Bakit Madami Mga Squatters Sa Pilipinas?