Bakit importante sa Pinoy ang magpasiklab sa kasalan?

Bakit ang mga Pinoy kahit na alang pera gusto nila magarbong handaan sa kasal nila? Napansin niyo ba yan? Magpapakasal sila, daming mga bisita akala mo madaming pera, pero sa invitation nagrerequest sila na perahin mo na lang yung regalo mo sa kanila? Wala ka palang pera dapat nag civil wedding na lang at magimbita ng konting guest. Putangina ka inimbita mo buong baranggay wala naman silang paki sa inyong mag asawa baka pagsalsalan pa nga asawa mo! Kung wala ka namang pera, mabuti pa wag ka na muna mag asawa para hindi ka na dadagdag sa statistic ng mahihirap na pamilya sa bansa. Magkakaroon pa kayo ng madaming anak na magiging mga drug addict at GRO lang pala. Maawa kayo sa mga bata, wag niyo ituloy yan kung wala kayong pera!

Kung magarbong kasalan ang daming babayaran. Catering, wedding gown, photographers, venue, flowers etc. Eh ang trabaho mo clerk ka lang na sumasahod ng P10,000! Paghahandaan mo pa yung down payment sa bahay, mga gamit sa bahay, kotse etc. Pag nabuntis mo yung asawa mo kailangan may pera ka rin sa hospital bills pag nanganak, at yung mga check up ng mrs mo habang nagbubuntis. Kung mag civil wedding ka malaking matitipid mo. Eh abnormal ang Pinoy eh, gagastos pa rin sa malaking kasalan tapos niyan naghihirap na kagaya ng gagong kakilala ko na anak ng domestic helper sa Hong Kong. Napilitan ang nanay niya na ubusin yung savings nila para sa kasal ng anak niya na mukhang bulate dahil magpapakamatay daw siya pag pipitsugin ang kasalan niya.

May isa naman akong kakilala hindi natuloy yung kasal niya dahil sa pangingialam ng kanyang mga magulang. Gusto sana nila ay simpleng kasalan lang. Konti lang ang iimbitahin niya, mga close family and friends. Eh yung nanay niya kung sino-sino mga iniimbita. Hindi niya kilala, at mga hindi niya kaano-ano, inimbita ng nanay niya. Noong plano niya na 20 guests lang ang imbitahin, lumobo sa 200! Yung budget niya na P20,000 sa handaan ay biglang naging P500,000! Dahil diyan nag away-away sila hanggang sa nabaliw na lang siya at kinansel ang lahat. Hiniwalayan ang siyota niya, at lumayas nagpunta ng Palawan. Dahil lang sa kakulitan ng nanay niya.

Bakit ba importante sa nanay niya na imbitahin ang mga taong yun? Simple lang ang sagot diyan. Ang nanay niya ay mayabang, pasikatera at social climber. At gusto niyang gamitin ang kasalan ng kanyang anak para magpasiklab, at ihampas sa mukha ng lahat ng nakakakilala sa kanila, na magarbo ang kasalan ng kanyang anak, dahil mayaman sila at maraming pera. Kung sino-sinong inimbita at kalahati sa mga inimbita ay yung mga taong karibal niya sa kayabangan. Mga whos-who ng iskwater, tuyot na tuyot naman pala ang mga bank account. Kaya imbitado sila, para imusmos sa kanila, sa mga pagmumukha nila at mga maaasim nilang hininga na wala sila sa kalingkingan niya tingnan niyo kasal ng anak ko ang laki ng ginastos namin dito dahil maraming kaming pera! Kaya imusmos niyo mukha niyo diyan mga putangina kayo, imusmos niyo! 


Sa inis ng kanyang anak, tinalikuran na niya yung babaeng pakakasalan niya dahil imbis na kampihan siya, doon siya kumampi sa nanay niya. Gusto din ng babae ng magarbong kasalan. Gusto maging talk of the town yung kanilang kasal. Nagkaintindihan sila eh, parehong Cheap Pinay.

Teeheehee inimbita ako sa iskwater na
kasalan bwisit!
Bakit din ang mga pinipiling ninong at ninang sa kasal ay mga mayayaman? Bakit hindi nila piliin yung mga mabuting tao lang na kilala nila ng lubos. Pipiliin talaga mayaman kahit na hindi naman sila pinapansin. Pag may kakilalang governor kahit konsehal gagawin ninong para umangat ang status nila sa skwaters area. Iisipin siguro ni governor, "Bakit kaya ako napiling ninong ng mga putanginang ito? Hindi ko naman sila kilala. Siguro gusto nila ng pera at mamahaling regalo? Putris na mga tao ito pipilitin pa akong magnakaw sa kaban ng bayan ah".

May pinsan ako na patay gutom na nakatira sa Tatalon St sa Quezon City at noong kinasal siya kinuha niyang ninong si Rudy Fernandez, sumalangit nawa. Excited tuloy yung mga tao inaabangan din nila si Rudy Fernandez akala nila dadating. Patulan ba ni Daboy ang kasalan ng dalawang skwakwa? Hindi! Nagpadala ng proxy, ewan ko kung sino yun siguro drayber niya. At nagabot ng konting pera. Gagong yan kumuha ng artistang ninong dahil akala bibigyan sila ng maraming pera. At pagdating ng pasko, Idol magpapasko na may regalo ba kaming mag asawa? Pweh! Mas binigyan tuloy ng halaga yung artista imbis na gawing special day ng tarantadong batugan na walang kwentang pinsan ko.

At yung pagkain nila nakakabwisit. Ang tigas ng saging anong klaseng handaan ba ito inimbita pa nila si Rudy Fernandez ano na lang ang sasabihin niya pag nabulunan siya sa matitigas na pagkaing ito? Tarantadong wala talagang utak yang utak dilis na yan. Buti pa nga yung dilis may utak, itong tarantadong ito tunaw na siguro ang utak, tapos binuga na sa kakautot. Bakit iimbitahin at gagawing ninong sa kasal nila si Rudy Fernandez putangina kilala ba niya yan? Napangisi na lang ako sa reception nila, ginawa din akong ninong ng hudas. Kinukwento nga niya na nakita niya sa personal si Rudy Fernandez, at ang gwapo gwapo gwapo gwapo daw.

Bakit ba ganon? Mahalaga mashado sa mga Pinoy ang image, na dapat isipin ng iba ay kaya nila ang buhay, ok lang sila hindi sila naghihirap, may kaya sila. Status symbol, importante sa Pinoy.

Naduduling mga mata ng mga Pinoy sa kayamanan.
Noon pa naman ganyan na mga Pinoy. Mga ninuno natin na galing sa ruling class, nililibing sila na binabalutan ng ginto sa katawan. Ganon ang ginto, sumisigaw ito kapag suot mo. Tingnan niyo ako! Tingnan niyo ako! Mas mataas ako sa inyo, ikaw hanggang diyan ka na lang! Kapag ikaw ay walang ginto, ikaw ay mahirap at mababang klase lang. Aapak-apakan ka lang, aalipustahin ka.

Masisisi ba natin talaga ang mga bugok na Pinoy na nagpapasikat at pinagsisigawan na may pera sila at naghahangad na umangat ang kanilang social status? Marami sa mga maiingay na wala talaga silang binatbat. Tinatago nila mga insecurities nila, at ayaw nilang maapakan.


Comments

  1. Ganda ulit ng mga sinulat mo, clockworks!

    Mga bwakanang inang mga social climbers na 'yan, parang mga asong ulol kung ibida mga sarili nila. Puro salita, kulang naman sa gawa! Pweh!

    ReplyDelete
  2. You depicted another form of Filipino false pride. Good job! I hope when I get married (if that time comes) everything is ready and my Mom will not be like that.

    do you go to this site: antipinoy.com ? You'll find details and videos about why PH will still be below dirt and the solutions they offer to rise up.

    ReplyDelete
  3. Kahit saan may mga ganitong klaseng taong maha-hangin at mataas ang tingin sa sarili.. Sa office, sa School, sa inuman, at kahit sa kalsada na nga lang e.. Ang lakas pang magkaroon ng pamilya wala naman pangtustos sa mga pangangailangan ng kanilang anak..

    May isa akong kaklase na akala nya ang taas ng tingin sa sarili nya.. Pagdating ng mga gawaing laboratoryo, walang binatbat.. Kakapit sa patalim. Anak ng pota naghihingi pa ng tulong sa akin, buti na lang may kaya akong tanggihan. Ang kapal kapal ng mukha ng douchebag na yun.. Akala mo lahat ng mga chicks sa skwela, sa kanya at ang kanyang tropa ay ganun din ang ugali. Buti na lang at totoo ang kasabihan na "Birds of the same feather flock together". Buti nga na reject ang ungas at mga tropa niya, napagiwanan ng panahon. Mukhang walang pag asang gra-graduate. At yun iba nag stop, Hindi sila madiskarte sa buhay kaya naman malamang sira ang kinabukasan.

    ReplyDelete
  4. Maraming talagang ganyan.. Kapitbahay namin sinanla bahay para lang may pang enggrandeng kasal,mga bigtime kinuhang ninong kala nila mababawi nila yung pinagsanla sa ibibigay ng mga ninong, sa ngayon mga mukhang basang sisiw ang mga hinayupak! puking inang kagaguhan talaga yan oh!Makapaghanda lang ang putang ina.

    ReplyDelete
  5. Gastos lang yan....Another Good Article Clocks...
    E sa ayaw ko pa mag asawa eh noh..

    Kayat sinasabi nila sakin at age of 28 di kapa nag aasawa ng mga kupal na asawa ng mgapinsan ko na mga asal iskwating at tsismosa Paki ba nila matutulungan ba ako ng mga bunganga nila...

    E ano ngayon bakit masyado iniintriga na pag tumuntong na ng 30 bat di pa nag asawa mga hangal talaga...MANOOD kaya sila ng reeltime kung bakit ang iba ayaw mag asawa..

    ReplyDelete
  6. Clocks Salamat. Ako ang request sayo nito. Tagal ko inantay tong write-up.

    ReplyDelete
  7. Ganda ng article na to!, nakarelate talaga ako, sapul na sapul, ganito yung pinsan ko, gusto ng magarbong kasalan, feeling sosyal yung mag-asawa sabay gustong perahin na lang yung regalo sa kasal, pag hindi ka nagbigay ng pera, daming putak!, mga purito ipokrito!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Bakit nakakasawa ang mga Pinay?

Bakit Madami Mga Squatters Sa Pilipinas?

Kulelat Ang Pilipinas Sa FIBA Asia: SINO ANG MATAPANG NA LALABAN NG PUSTAHAN SA AKIN?