Ikaw Ang Nagtanim, Iba Ang Umani
Ilang dekada ang nagdaan at tayong mga Pinoy ay ginawang mga tuta ng mga kano. English ang ginagamit na lenguahe sa paaralan. Maths, Science nasa English. English din ang pumalit na subject sa Spanish. Walang pake ang mga studyante ng mga ekslusibong paaralan sa Pilipino subject. Kahit ibagsak, hindi dapat mag-alala dahil walang namang kwenta. English ang salita ng mga burgis. Mga pahayagan nasa English. Mga karatula, advertisements, instructions lahat ay nasa English. Kung tayo ay mag isip, nagiisip sa English. Baduy magtagalog. Kinasusuka ang mga tagalog na pahayagan. Mga nagbabasa ng Abante, Tiktik at Remate ay mga kargador, jeepney drayber, waiter, yosi boys at drug adik. Nakakahiya magtagalog, yan ay para sa masa lang. Para sa mahihirap. Mommy at Daddy ang tawag mo sa iyong mga magulang. Itay at Inay naman kung ikaw ay anak ng magsasaka. Pagtatawanan ang pulubi na may Mommy at Daddy. Sosyal ang pulubi na yan! Pagdating sa sining ang tinatangkilik ng mga burgis ay English. Pabo...