Marcos Jr At Ang Martial Law
Marcos Jr Ang Martial Law ay isa sa mga masakit na nakaraan ng kasaysayan ng bansa natin. Ito ang bagay na humahati sa Pilipinas hanggang ngayon. Sa isang banda ay mga sympathizers at biktima ng karahasan ng Martial Law. Sa kabila naman ay mga tao na patuloy na nagmamahal sa dating Pangulong Fegrdinand Marcos. May mga nakakaunawa kung bakit kailangan ang Martial Law at may mga nagbubulag-bulagan. May mga engot din na dilawan na ginagamit ang vulnerability na ito para dungisan at siraan ang pamilya ng mga Marcos. Itong nakaraang election, ito ay ginamit na sandata ng LP para saktan si Bongbong Marcos Jr. Hindi natin maipagkakaila na tuwing Martial Law ang paksa ay hindi comportable si BBM. Nauutal siya at nagmumukha talaga siyang tanga. Nawawala ang sharpness niya. Ito malamang ang dahilan kung bakit nag-skip si BBM sa pangalawang debate na hosted ng ABS CBN. Nakaapekto talaga ito sa ratings niya. Si Leni Robredo na baguhan sa pulitika, walang maipakitang achievements sa taumbayan...