Manila, My Manila... The Gates of Hell
Immune sa tipus. Sikat na naman ang Pilipinas. Nasa bagong libro naman ngayon ni Dan Brown ang kagandahan ng Manila, na tinawag niyang The Gates of Hell. Hindi ko alam kung nakapunta na nga ba siya sa Pilipinas, pero kahit hindi pa siya nakapunta sa bansa natin marami nang images sa television kung ano ang tunay na kalagayan ng Pilipinas. Nakita niya naman ang pinsala ng Ondoy, at mga dumaang malalakas na ulan na nag dulot ng delubyo. Nabalitaan niya siguro ang mga corrupt na politicians, at mga political dynasties na habang buhay nang maghahari sa buhay ng mga Pilipino. Naaawa siguro siya sa mga skwater na nakatira sa barong-barong at kulang ang kinakain, maraming mga anak na hindi nakakapag-aral, at mga nagiging magbobote, rugby boys at pokpok. Parang understatement lang dahil para sa ating mga Pinoy na naninirahan diyan, mashado pang mabait si Dan Brown na tawaging the Gates of Hell ang Manila. Dahil kung nanirahan talaga siya dito, masasabi niyang living hell ang pamumuhay sa M