2016 Philippine Presidential Elections Special - The Kulelats
Ang mamatay ng may bulak sa ilong! Sino sa mga tarantadong candidato ang iboboto niyo mga putris na tao kayo? Sino sa mga demonyo ang papalarin na makatatanggap ng walang kwentang boto mo para sila ang maghari sa Bayang Inutang? Paano ka magdedecision upang makaboto ka ng tama at hindi pagsisihan na naman ng anim na taon ang iyong pagkakamali? Anim na taon na pagtitiis at pagtaas ng alta presyon tuwing makikita ang pangit na mukha ng pangulo na niluklok mo, putris ka? Kagaya na lang ni Lord Penot na anim na taon ginago ang Pilipinas. Anim na taon na sinisi sa nakaraang administracion ang kaniyang kapalpakan. Bawat kilos at galaw ay nagreresulta sa disastrous na kapalpakan at kahihiyan para sa inang bayan. Pansariling interes lang ang inatupag, pero walang paki sa mga kababayan niya lalo na sa mga mahihirap. Attend ng kasalanan ng mga mayayamang celebrities, pero hindi makapagsalubong sa mga nasawi sa Mamasapano dahil sa kaniyang kapalpakan. Dapat umayos kayo sa pagdecisyon at pagp