Lahat Ng Tao Ay May Presyo Sa Ulo
To the Batcave, Robin! Paikot-ikot ang siglo ng kapalpakan at kabobohan pero pagdating ng eleksyon parang mga hindi natuto ng leksyon. Artistang bobo nagiging konsehal, atletang pulpol nagiging kongresista, abugadong manyakis nagiging senador (may half tao-half baboy pa nga na kasalukuyang senate president), magnanakaw na ita nagiging bise presidente at panot na abnoy nagiging presidente. Bakit nga ba binoboto ng marami ang mga artista? Dahil sikat sila at ang election at pulitika ay popularity contest. Sino boboto sa mga katulad ni Simeon Cahanding o kaya Claudio Batula? Hindi sila kilala at walang alam ang mga bobotante tungkol sa kanila. Iboboto na lang si Miss Tapia, Babette Villaroel, Vice Ganda at Kris Aquino. Hindi maintindihan ang mga plataporma nila kung mayroon man at kadalasan ay walang plataporma! Pero kilala sila dahil sila ay mga celebrities na napapanood sa TV o kaya mga dating artista. Ano pakialam nila sa plataporma? Basta ang alam nila sila ay mabubuting tao da