Luis Suarez - Ang Paboritong Anak Ng Uruguay
You are not alone. Hindi ko pinagtatakpan si Suarez. Hindi ako Liverpool supporter. Hindi ako maka-Uruguay at lalong hindi ako fan boy ni Suarez. Aaminin ko na hanga ako sa laro niya. Mahusay na manlalaro siya. Siya ang buhay ng Uruguay. Kung wala si Suarez, walang kwenta ang Uruguay. Kagaya ng nangyari sa kanila nang talunin sila ng Costa Rica, dahil wala si Suarez. Pero hindi ako maka-Suarez at hindi ako bias sa kanya. Nagkamali siya, kitang-kita natin sa replay na may kagatan ngang nangyari. Dapat siyang parusahan, pero hindi dapat ganon kabigat. Walang maitutulong kay Suarez ang ma-deprive siya ng trabaho at income. Ok lang sana ang one game suspension sa World Cup at umattend ng mga therapy para kontrolin ang init ng ulo niya. Bago kayo manghusga na siya ay siraulo at barumbado, kailangan niyo munang maintindihan ang mga pinagdaanan niya sa buhay. Hindi siya laking mayaman kagaya ng mga spoiled brats ng England at Italy. Pito silang magkakapatid at pinalaki lang sila ng kan