Sa presinto ka magpaliwanag
Baket ganon ang comic strip ng mga Pinoy kailangan laging ipaliwanag ang punch line? Dahil ang comic strip ay target ang mga masang Pinoy at alam nilang bobo ang mga yan hindi nila makukuha ang joke kung hindi ipapaliwanag? Apeng Daldal Kagaya ng comic strip na nabasa ko noon. Sa unang tatlong panel walang dialogue. First panel naglalakad ang isang unggoy may dalang payong at nagsimulang umambon. 2nd panel dumadami na ang patak ng ulan at nagmamadali na syang buksan ang payong nya. 3rd panel nahihirapan syang buksan ang payong nya at talagang bumuhos na ang ulan basang basa na sya. 4th panel, tumila ang ulan at saka bumukas ang payon. At may dialogue na ito - "Ngek! Kung kelan tumila ang ulan saka pa bumukas ang payong". Ngok ngok ngok. Eh baket kailangan pang ipaliwanag yan? Effective naman kahit wala yan eh! Yan ang napapansin ko sa humour ng Pinoy. Hindi makuha ang punch line, dapat laging ipapaliwanag para mas nakakatawa. Kaya nga hindi kumikita ang stand